Lunes, Marso 30, 2020

Life of the Party


Ang mahirap kasi sa taong may strong personality, hindi ka nila makikitaan ng kahinaan. Hindi nila iisipin na minsan nakararamdam ka rin ng lungkot. Kasi matatag ka. You're life of the party. Happy go lucky. Everybody wants to be your friend. (Just friends.) You care with the people around you. Ayaw mo nang may naiiwan, nalulungkot at lalo na iyong mga nakakaramdam ng pag-iisa. Lahat napapatawa mo sa mga hirit at bars na binibitawan mo. You are not perfect but you are almost perfect to be a friend of everybody.

Pero minsan kaya, naiisip nila kung sino ang nagpapasaya sa iyo kapag nakararamdam ka ng lungkot? Minsan kaya, sasagi sa isipan nila kung ano ka o ang buhay mo sa likod ng bawat halakhak? Kapag nasaktan ka, kapag nabigo ka, kapag gusto mo ng makakausap, mayroon kayang naririyan para sa iyo? Pero dahil ikaw si Mr. Strong Personality of the year, hihinto ka sa pagdadrama. Cheer up. Chest out. Inhale. Exhale. Sabay ngiti na parang wala kang problemang iniinda. Tulad nga ng sabi ni Bobbie, kahit na ang hirap-hirap mag-isa, pipiliin mong magpakatatag. Magpakatigas. Pero hindi dahil matigas ka, wala ka ng pakiramdam. Na hindi ka na masasaktan. Kasi ang totoo, nasasaktan ka na.

Gusto mong sumigaw, gusto mong magwala, gusto mong magpakalunod sa sariling luha at gusto mong magmura. Pero sa realidad, ang masasabi mo lang ay ang simpleng "pagod lang ako." Oo, pagod ka lang. Pagod. Pero anumang oras ay parang sasabog ang dibdib mo. Pagod. Pero pilit kang nagpipigil sa mga luhang nais kumawala sa matang matagal nang nagtatago ng kalungkutan. Oo. Pagod ka lang.

Pero hindi masama ang lumuha. Hindi masama ang masaktan. Tao ka. Ang kailangan mo lang ay ang ang taong handang makinig sa mga kwento mo.

Magandang gabi.

Walang komento: