Wednesday, May 12, 2010

Ang Matsing

Itong matsing mahilig sa saging


Madalas maglambitin sa mahabang baging

Wala syang ginawa kundi ang kumain

Kaya sumakit ang kanyang ngipin



Nang sya'y kukuha ng maraming piling

Biglang nawala masarap na saging

Kaya't ang ulo'y biglang napailing

At kanyang nakita maitim na kuting



Senyales pala ito ng isang pagdating

Ng mukhang tingting na si Mang Berting

Siya ay apo ni Juling at anak ni Biring

Na may ari ng Baranggay Ningning



Nang huhulihin ni Berting ang matsing

Siya ay biglang napaatsing

Matsing pala'y may dalang anting-anting

Kaya't kanyang naisahan ang kawawang si Berting
Post a Comment