Friday, January 7, 2011

Incubus

Tapos na kong magdasal at kasalukuyang lumilibot ang isip ko habang naghihintay na makatulog. Ang dami-dami kong problema pero hindi ko alam kung bakit pati yung problema ni Jewel sa Kristine pinoproblema ko pa. Hindi ko na rin binuksan ang radyo para makinig ng wild confession sa Love Radio nang sa gayon ay maaga akong makatulog at di mapalitan ng libog ang mga equations na pinag-aralan ko.


Bukas pa ang ilaw dahil sa kapatid kong emo na lalaki na gabi-gabi na lang nagpapaputi ng mukha na siguradong di mo kayang agawan kapag sya na ang nasa harap ng salamin. Habang nakataklob ng kumot ang buo kong katawan na may timbang na apatnapu’t lima ang kilo mula elementary hanggang hayskul maya-maya ay may naramdaman akong tumusok sa dalawang braso ko. Inisip ko na baka reaksyon lang iyon ng mga masel ko pero nagulat na lamang ako nang ito’y mas bumigat kung saan naramdaman ko na may pumatong na sa akin. Hindi tao kundi isang elemento o isang ispirito na bigla na lamang lumitaw ang imahe sa isip ko kasabay ng pagpatong nya. Isa syang lalaki at di ko alam kung bakit ako ang napili nyang biktima.

Natakot ako sa sumunod na nangyari dahil naramdaman ko na may paulit-ulit na tumusok sa ibaba ng pinakaiingatan kong berdugo. Doon ko napagtanto na ako’y kanyang pinagsasamantalahan gayong lalaki ang ispiritong iyon o kaya naman ay nabading na sya dahil sa tago kong kagwapuhan. Dahil sa takot, bigla ko na lamang nagawang sumigaw. Sa pangalawang sigaw ko napansin ko na di bumuka ang aking bibig at tanging ungol lang ang lumabas na ingay. Sinubukan ko na lamang na tumayo at tumakas pero di ko rin nagawang gumalaw. Ang pangyayaring iyon ay katulad ng nagaganap kapag binabangungot ang isang tao. Para makawala, kailangang maigalaw ang anumang parte ng katawan na sya ko namang sinubukan. Naigalaw ko ang ulo ko at sabay namang nawala ang ispirito.

Naimulat ko na ang aking mga mata habang nakataklob pa rin ng kumot kasabay ng bukas pa rin na ilaw. Natulala at parang nawawala sa sarili ang aking naging reaksyon. Sandali lamang akong nakapag-isip hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako. Incubus ang tawag sa kanila ayon sa mga napapanuod ko sa telebisyon. Mga ispirito na patuloy na gumagala para manghalay ng mga mortal. Maaari silang makita sa anyong usok at siguro maaari ring hindi.

Napakasaklap isipin na isang bading na ispirito pa ang unang buminyag sa akin. Sinamantala nya ang pagkakataon at sinamantala nya ang kahinaan ko. Halos wala akong nagawa kundi ang mapasailalim ng kanyang pananamantala.

Binaboy nya ko! At ngayon...





..... ang dumi-dumi ko na!
Post a Comment