Biyahe:
Dasmariñas, Cavite - Lipa, Batangas. (Van)
Lipa - Rosario. (Jeep)
Pagbaba sa Rosario, pumunta sa palengke at hanapin ang Girder Hardware dahil doon pumaparada ang dyip papuntang Barangay Jaybanga.
Bihira lang ang biyahe. Dumating kami ng alas dose ng tanghali at nakaalis ng bandang mga alas tres. Mahabang paglalakbay sakay ng dyip bago tuluyang makababa sa Barangay Jaybanga. Tumigil ang dyip sa mismong tapat ng bahay nila kapitan kung saan kami nagparehistro. Mapapansin na mataas na lugar din ang Jaybanga dahil habang nakasakay sa dyip paakyat ng paakyat at pataas ng pataas ang mga makikitang tanawin. Tulad ng sinabi ko bihira ang transportasyon, karamihan sa mga pumapasadang dyip ay bababa sa ganap na alas sais at makakabalik ng bandang mga hapon. Kaya nirentahan na lang namin ang dyip nila kapitan.
P1500 ang bayad kung bibiyahe papuntang Lobo.
P2000 naman kung pabalik ng Rosario.
Tatlo lang ang tour guide na umaakyat sa bundok. Isa na riyan si Kuya Allan. Mabait, matulungin at masayang kasama. Kung nagbabalak kayong umakyat mas mabuti na kontakin ninyo muna siya para maging maayos ang paglalakbay dahil hindi biro ang layo ng destinasyon.
Numero: 09193763311
Si Kuya Allan.
Ang Simula ng Paglalakbay
Camp Site
Halos dalawang oras bago namin marating ang camp site. |
Dahil napuyat si Mr. Ben, nalimutan niyang dalhin ang pole ng tent kaya nilatag na lang namin at nagstar gazing! |
Peak 2
Pababa!
Ang Talon!
Pauwi!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento