Kasalanan ko bang maging mahirap,mag-aral sa isang unibersidad kung saan wala ang kursong pinangarap ko? Hindi naman di ba? Napilitan akong maging isang estudyanteng inhinyero para lang makapag-aral ng may mababang matrikula. Hindi ko naman ginusto pero sa hirap ng buhay ngayon kung saan hindi nakapag-aaral ang ibang tulad ko wala akong karapatang mamili kahit sa kabila nito ay ang pagharap sa math subjects na pinakaayaw ko. Mahirap para sa akin dahil laging napupuno ng takot at pangamba ang sarili ko kung sa susunod ay kakayanin ko pa bang makapasa. Palaging balisa sa tuwing malalaman ang mga marka na nagiging dahilan ng tuluyang pagkawala ng tiwala ko sa sarili. Para makabangon, kinapalan ko na ang mukha ko. Nanghihiram ng notes nila, nangongopya ng assignments at solutions nila sa bawat equations na hindi ko maintindihan kahit pilit kong pag-aralan. Para sa akin, hindi masama ang mga gawaing iyon, ang mahalaga marunong akong mgatanong kung paano nila nagagawa at nasasagutan ang mga bagay na iyon.
Lahat ng paraan handa kong gawin para lang pumasa. Kahit labag sa patakaran at kasalanan sa Diyos, patuloy at paulit-ulit ko pa ring ginawa. Ano ngayon kung sinubukan kong magcheat,mangodigo at lumingon sa mga katabi sa oras ng mga pagsusulit? Masama man ako sa paningin ng iba pero kinailangan kong gawin ang mga kasalanang iyon. Hindi naman makokompleto ang pagiging isang kolehiyo kung di mo mararanasang mandaya. Hindi lang naman ako ang gumagawa nito, maging ang iba sa mga estudyante na kung tawagin ay dean's list ay naranasan na rin ito. Bukod dyan, dapat ding sisihin ang ibang mga propesor na bukod na palaging late ng isang oras sa klase ay di pa ganoon kagaling ang pamamaraan ng pagtuturo. Hindi ko sila sinisiraan pero yun ang katotohanan. Hindi ko rin sila ginagawang dahilan para lang pagtakpan ang pagiging mahina ng ulo ko.
Oo! Tama ka! Hindi ako magaling na estudyante,hindi ako magaling na inhinyero at lalong hindi ako magaling sa pagsolve ng mga math equations na di ko alam kung saan nadukal. Sa madaling salita, BOBO ako kung ituring ng iba. Pero wala namang taong bobo di ba? Lahat tayo binigyan ng kakayahan na nagagamit natin sa iba't ibang aspeto at larangan. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sa halip na tulungan nila kaming pumasa bakit puro panlalait pa yung mga naririnig ko. Masyadong mapanghusga ang mga tao sa paligid ko, mapanlait at mapagmataas. Paano ko sila pakikibagayan kung alam kong hindi naman nila maintindihan kung ano ako.
Naniniwala ako na may sarili akong kakayahan. Nagtitiwala ako sa sarili ko na makakaya kong lagpasan ang mga balakid na pumipigil sa kin. Hindi naman ibig sabihin na BOBO ako wala na kong mararating sa buhay. Sa mga taong tumatapak at patuloy na di nagtitiwala sa akin, balang araw mapapatunayan ko na sa pamamagitan ng sipag at tyaga, tamang diskarte at patuloy na pananalig sa Maykapal makakaya ko ring tawirin ang dagat, makakaya ko ring akyatin ang mga bundok ng walang anumang balakid, maabot ko rin ang taas, magagawa ko ring umasenso, magtatagumpay ako at makakamit din ang mga mithiin ko sa buhay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento