Mula DasmariƱas, Cavite bumiyahe kami sa ganap na alas diyes patungong Quezon, Avenue kung saan hinintay namin ang iba pang mga mamumundok. Mas mabuti kung bibili na rin kayo rito ng pagkain para sa umagahan kung nagugutom ulit at para sa tanghalian dahil wala ng mabibilhan pagdating sa destinasyon.
Bandang mga alas dos y media ng umaga nang bumiyahe kami patungo naman sa Sta. Juliana, Capas, Tarlac.
Tamang kain lang muna ng umagahan at sa sobrang bilis ng wifi sa McDo mapapa-selfie ka with hashtag ATM. |
Pagdating sa unang destinasyon, kinakailangang dumaan sa registration area. May sasagutan at pipirmahang waiver sa tourism office na namimigay din ng libreng pamaypay. |
Sasalubong sa inyo ang mga batang ito na nagtitinda ng tungkod sa halagang bente pesos. Kung hindi kayo magaling sa balanse, mas nakabubuting bumili dahil ang paglakad sa buhanginan ay hindi biro. |
Malamig ang klima sa umaga. Mas nakakabuti na magsuot ng jacket. Magbaon din ng shades dahil makikipaglaban kayo sa naparaming buhangin. |
May mga madadaanang lubak-lubak, mabato at ilog o sapa kung saan lulusong ang sasakyan. Huwag kalimutang kumapit. |
Humihinto ang sasakyan sa mga lugar kung saan maaaring magpiktyuran. Pwede ring magrekwest na pahintuin sa lugar na trip ninyong magkodakan. |
Pulang ilog? Astig! Hindi kulay pula ang tubig kundi ang mga bato na mas lumulutang ang kulay kapag nasilayan ng araw, |
Dito magkakaalaman ng edad. Where do you belong? Pero sa karanasan namin halos lumampas kami sa dalawampung minutong paglalakad. So, nandoon na kami sa Super Senior Citizen category haha! |
Ingat sa madulas na mga bato. Masarap ilublob ang mga paa sa tubig dahil sa sobrang lamig. Nakakarelaks. |
Kaunting kembot na lang talaga malapit na naming masilayan ang crater! Pero aakyatin muna namin ang ilang hakbang na hagdanang ito. |
Para makarating sa baba kailangang muling humakbang sa mahabang hagdanan. Mas nakakapagod ang pabalik o paakyat. |
Huwag magulat kung makakita ng mga batang nagtitinda ng ice candy o salad. Tikman ang sarap at hayaang pawiin ng lamig ang pagod ng katawan. |
Pagkatapos ng paglalakbay ay maaaring maligo, umihi at dumumi sa registration area. P50 ang ligo. P15 ang dumi at P5 para sa ihi. May mabibili ring sabon at shampoo at mga lutong pagkain.
Itinerary
2:00 AM - 2:30 AM Meet-up, Mcdo Q. Ave.
2:30 AM - 5:00 Mcdo q. Ave, MRT Station to Capas Junction
5:00 AM - 5:15 AM Breakfast/Buy Lunch at Mcdo Capas Junction
5:15 AM - 6:00 AM Mcdo Capas Junction to Sta. Juliana Capas Tarlac
6:00 AM - 7:00 AM Registration
7:00 AM - 8:30 AM 4x4 Ride to Jump-off
8:30 AM - 10:30 Am Trek to the Crater
10:30AM - 12:30 PM Free time, lunch, picture taking
12:30 AM - 2:30 PM Descend from Crater
2:30 AM - 4:00 PM 4x4 Ride back to the tourism office
4:00 PM - 5: 00 PM Wash up
5:00 PM - 8:00 PM Tarlac toMcdo,Q. Ave. MRT Station
THINGS TO BRING:
1. Cap/Umbrella/Handkerchief/ Scarf
2. 1-2 Liters of Water
3. One (1) valid ID/passport for foreign guests
4. Extra Clothes
5. Camera, Extra Batteries
6. Personal medicines, first-aid kit and toiletries
7. Garbage Bag
8. Trail food and extra snacks that you may want to share with the Aeta kids
9. Ballpen
10. Extra Cash
11. Packed lunch
12. Slippers
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento