Pedro: Hindi ako naniniwalang sampung libo lang ang sinasahod mo. Engineering ka di ba tapos ganoon lang ang sinasahod mo? Sayang lang ang pagka-engineer mo. Lumipat ka na ng trabaho.
Juan: Kahit lumipat ako ng trabaho, asahan mo na makakatanggap din ako ng salary offer na mababa. Ang iba kasing kumpanya hindi kumikilala sa karanasan sa naging trabaho. Kahit magdemand ka mauuwi ka pa rin sa parehas na sahod. Kahit marami ka ng karanasan, hindi nila iaangat ang posisyon o sahod mo. Wala namang choice di ba? Lalo na kung ang dami ng naaplayan. Tatanggapin ko na kasi nauubos na ang puhunan ko. Okay na rin kaysa naman sa walang trabaho. Maswerte kung makakatsamba ng kumpanya na bibigyan ka ng mas mataas na sahod.
Halos wala pa kasing sampung libo ang provincial rate. Tapos kakaltasan pa ng malaking tax na minsan inaabot sa isang libo kada kinsenas.
May mga american company naman na nagbibigay ng mahigit sa P20K o P25K bilang panimula. 'Yon nga lang ang hirap makapasok. Kailangan magaling ka. Kailangan matalino ka. 'Yong tipong gamay na gamay mo ang mga pinag-aralan mo. Kung baga sa kurso namin, dapat ginagawa mo lang chichirya ang pagsolb ng mga circuits. Kaya kahit nakapagtapos na, hindi dapat tayo tumigil sa pag-aaral. Kailangan nating paunlarin ang sarili natin at matuto kung gusto nating magtagumpay.
Sa bagong administrasyon, mararamdaman ko ang #changeiscoming kung magagawa nilang taasan ang pasahod sa mga probinsiya. Makakatulong din ang pagliit ng kaltas sa buwis. Medyo mahirap sagutin at isipin para sa akin kung bakit may provincial at manila rate pero pare-parehas lang namang nagtatrabaho. Kung lalaki ang sahod sa mga probinsya, hindi na kailangan pang makipagsapalaran sa kamaynilaan.
Kung magtatrabaho naman sa kamaynilaan ang mga nasa probinsya at sasahod sa minimun na sahod, lugi pa rin kung isasama mo ang lahat ng gastos. Pamasahe sa pagpunta at pagbalik sa maynila. Pag-upa ng bahay na maswerte na kung makakahanap ng mas mababa sa P2500. Mas maswerte kung may kamag-anak na matutuluyan.
Ganito lang talaga kaliit ang pasahod sa probinsya. Sapat na pasahod lang para sa mga single na katulad ko. Ooops. Di nga pala ako single. Jowa ko pala si Tax. Nagsasakripisyo ako. Dugo't pawis ang puhunan ko para lang maibigay ang mga pangangailangan niya pero sa huli hindi niya naman kayang suklian ang mga ibinibigay ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento