Tuesday, December 24, 2013

Saranggola Blog Awarding 5



Year 2011, first time kong sumali sa blogging competition then I've got the second place for my blog entry entitled "Nang Dahil Sa Dota."

This year, di ako nanalo pero nakuha ko ulit ang ikalawang karangalan sa Saranggola Blog Awards para sa entry kong "Pagm-AMA-hal." Unexpected! Pinasa ko ang entry noong last day of EXTENDED submission at sinulat sa loob lang ng mahigit isang oras.

Ang sinulat kong blog ay hango sa buhay ng kapitbahay namin habang nagrereview. Madalas syang iistalk ng mga kasama ko. Madalas tingnan ang mga pictures at basahin ang status sa Facebook hanggang sa pinakasimula kung saan tumatak sa akin ang isang nakakaantig na status. Kung di nyo pala yun inistalk, wala akong award ngayon. Haha.

Maraming salamat sa Diyos para sa talento na meron ako ngayon.

Maraming salamat sa bumubuo ng SBA na si Sir Bernard Umali. Maraming salamat sa mga judges na kinabibilangan din nila Mr. Ronald Verzo, co-founder of Cavite Young Writers Association at Ms. Beverly Siy, ang babaeng Bob Ong na sumulat ng " It's A Mens World." Maraming salamat sa mga kapwa bloggers na nakilala ko: Giselle "Omaygash", Emanunulat, Richelle, LionheartTv, Wickedmouth na sumulat ng librong "Unang Putok", movie director na si Jil Urdaneta at sa iba pa.

Maraming salamat sa mga naglike, nagshare at nagbasa ng blog.

Congratulations sa lahat ng nanalo.



Post a Comment