Mukang inuubo at sinisipon na naman ako. Si Juan kasi buhos ng buhos,pinaglalaruan pa yata ako. Sa tuwing aalis na ko sa shop bigla namang bubuhos ang malakas na ulan. Inabot tuloy ako ng ulan sa shop at basang-basa sa pag-uwi..Pero ngayun,andito uli ako..hindi nadadala..humingi ako ng perang pangcomputer sa tatay ko at sabay sabing walang iniwang pera ang nanay ko. Syempre,naglupasay ako at nagpaawa at sa huli,binigyan nya rin ako. Nagtaka ako kung bakit,yun naman pala magpapabili sya ng Gin at bilang kapalit bibigyan nya ko ng salapi. Sa madaling salita,ginamit nya lang ako pero ginamit ko lang din sya..pero sa pinakamadaling salita,pareho lang kaming uto-uto.
Ang lakas yata ng bagyo ngayun. Sana'y di magbrown-out at mabawasan na ang mga sakuna na dulot ni Juan. Sabi kasi nila mas malakas pa yun sa Ondoy. Pero kahit bumagyo parang okey lang din. Di naman kasi kami binabaha pero syempre mas gusto kong wag na lang dahil nakakaawang masaksihan ang pagkawala ng maraming bahay at buhay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento