Naranasan
mo na bang buruhin ang iyong pagmumukha sa harap ng salamin sa loob ng maraming
oras habang tinatanong ang sarili kung saang lupalop ka nagmula? Kung isa ka sa
mga pinalad na magtamo ng itsurang pasok sa planetang Jupiter, malamang
masasabayan mo ang bawat takbo ng kwento ko. Ako si kulot, madalas
mapagkamalang salot. Nakatira kami sa isang bayan sa Kabite. Doon ako lumaki at
malamang ganoon din sila. Ang bahay namin ay nasa likod ng dalawang simbahan
pero hindi iyon nangangahulugan na madalas kaming magsimba.Napapaisip nga ako,
mukhang ang swerte ng dalawang simbahan ay napunta sa mga kabahayan sa harapan
nito at napag-iwanan na kaming mga nasa likod. Madalas kasing magkaroon ng mga
kaguluhan kung saan mapapalibutan ka ng mga nagliliparang mga plato at sibat. Sa
madaling salita, lumaki ako sa isang lugar na nababalot ng iba’t-ibang masamang
pangitain at pangyayari. Sa sobrang gulo ng aming pamilya ay malapit na kaming
tanggihan ng mga barangay at ng mismong mga pulis.
Lima kaming magkakapatid. Hanggang
pagtanda yata ay pinanindigan ng tatay ko ang natanggap niyang award noong
elementarya na “Pinakamasipag.”Madalas nila akong tawaging big eyes, malamang
may kalakihan ang aking mga mata. Kulot ang aking buhok, pango ang aking ilong,
kayumanggi ang kulay at may kakapalan ang mukha maging ang labi. Hindi lahat ng
kulot ay salot pero hindi nila ako pinaniniwalaan. Tahimik kasi ako at hindi
masyado kumikibo kaya naman sa tuwing tinatanong nila ako ay puro senyas lamang
ang aking mga isinasagot. Simple lang, kapag tinatanong nila kung pang-ilan ako
sa mga magkakapatid ay itataas ko lang ang aking hinlalato. Hindi ko
maintindihan ang mga tao sa paligid ko dahil matapos ko silang sagutin ay
sasampalin naman nila ako. Kaya madalas ay nagsusuplado na lang ako. Guwapo sa
personal e.
Hindi ko alam kung anong sumpa ang
kumapit sa akin. Isinilang ako sa katre ng nanay ng mga kapatid ko na asawa ng
tatay ko. Naisip ko noonipinaglihi ako sa maligno o kaya naman kulang ako sa
buwan kaya naman nagmukha akong fetus noong inilabas sa mundong napapaligiran
ng mga taong nag-iipon na ng pamumula para sa paglaki ko. Mas mabuti na ang
kulang kaysa naman sa nabulok na ako sa tiyan ng nanay ko. Baka paglabas ko,
binata na agad. Nagtataka nga sila dahil iyong apat na kapatid ko ay talaga
namang pangrampa ang mga pagmumukha.
Noong bata ako siguro kahawig ko si
Santino maliban lang sa buhok niyang may basbas ni Justin Bieber. Noong piyesta
kasi ay ayaw akong patayain sa isang sugal kung saan kapag tumama ang letrang
hula ay mananalo ng itik. Nag-alsabalutan ako at lihim na naglayas hanggang sa
maligaw ako gayong sampung dipa lang ang layo ng plaza mula sa amin. Iyak ako
ng iyak hanggang sa napadpad ako sa isang batangenyong naggagawa ng sapatos na
akala koy sasapatusin ako sa mukha.Dinala ako sa kumbento kung saan pinatulog
muna ako ng pari dahil sa gaganaping misa. Ang nakakahiya lang ay ang
pag-anunsyo ng pari tungkol sa nawawalang bata na ako. “Ididiwan. Ididiwan…”
madaling kumalat ang tsismis sa aming lugar kaya siguradong aabot ito hangga’t
may lupa. Dahil wala pa rin o wala talagang gustong bumawi sa akin ay napilitan
pa tuloy akong ipagtanong ng pari sa bawat bahay. Lumuwa ang mata niya nang
malamang sa likod lang pala ng simbahan kami nakatira. Sa hinaba-haba ng
pagtatanong sa likod ng simbahan lang pala ang tuloy.
***
Noong elementarya ako, madalas
sabihin ng nanay ko na kahawig ko raw si Jericho Rosales na pinaniwalaan ko ng
buong puso’t kaluluwa dahil nga sa kulot kong buhok. Noongnasa ikalimang
baitang ako sa elementaryahindi ko alam kung pinagtitripan o may pagtingin
talaga ang kaklase ko sa akin. Buong tapang siyang tumayo at ipinagsigawan ang
pangalan ko para maging konsorte ng aming klase kung saan nabulunan pa ko sa
iniinom kong palamig na tatatlo lang yata ang lamang sago. Maya-maya ay bigla
na lamang nagsalita ang aming guro na akala ko’y pupurihin at sasang-ayunan ang
kaklase ko.Tandang-tanda ko pa na sinabi niya na kung pipili kami ng konsorte
na irarampa sa harap ng maraming pagmumukha ay iyong maayus-ayos naman daw ang
dapat naming piliin. Siguro iyong tipong kahit nakamaskra ay mapapasigaw ka
kahit nasa Manila ka pa gayong nasa Kabite lang kami. Napakaprangka naman ni
Mam, hindi niya ba ako nakita sa unahan ng upuan para mapigilan sya sa
pagsasalita? Ang sakit sakit!
Pagdating
ko ng kolehiyo ay nananalig akong may pagbabago na sa pagmumukha ko tulad na
lamang ng pagkakaroon ng tagiyawat na parang may sinusunod na iskedyul sa
pagtubo. Matagal ko ng gustong maging artista pero dahil di pa dumarating ang
pagkakataon ay muli kong tinawag ang lahat ng santo mabuti man o masama.Hiniling
ko na sana magkaroon ako ng kahawig sa showbiz para kahit sandali ay may
makapansin sa endangered specie na katulad ko. Sa
sobrang taimtim yata ng pagdarasal ko ay mukhang naawa sila akin kaya naman
pinagbigyan nila ang simple kong hiling. Sa sobrang lasing ng kaibigan ko ay
napansin niya na medyo kahawig ko raw si Pooh na sinang-ayunan naman ng kapatid
kong daldalera! Paano ko magiging kahawig si Winnie The Pooh na walang salawal
gayong hayop iyon at ako’y tao?
Hindi ko alam kung kaya ko talagang
paniwalaan ang mga artistang inihahalintulad nila sa akin, basta para sa akin
gwapo ako na dapat kong panindigan hanggang sa masapak ako ng lasing sa kanto.
Noong isang araw nga, pagkatapos kong bumili ng ulam sa tindahan ay bigla akong
nagulat sa mukha ng tindera lalo na nang napatingin ako sa salamin na
kalawangin. Sa isang sulyap ay tila ba tumigil ang pag-ikot ng mundo. Tinitigan
kong mabuti ang salamin kung saan naging kahawig ko si Coco Martin. Sa sobrang
tuwa ay napasigaw at napatalon ako sabay batok ng tatay ko na epekto lang daw iyon
ng ulam ni Coco.
***
Noong araw, madalas akong
mapagkamalang lumang tao o ninuno ng sinuman. Akala ko noon, sa unggoy nagmula
ang tao kaya naiintindihan ko kung bakit ako ganito pero habang nakikinig ng
radyo ay may isang biro na umalingawngaw sa aking tainga na kung sa unggoy daw
nagmula ang tao, bakit mayroong mukhang kabayo? Saan nga ba talaga nagmula ang
tao? Sa dami ng problema ko samahan pa ng problema ng Pilipinas pati ng
napakaraming ekwasyon na nagpapasakit ng mata ko ay wala na akong panahon para
alamin pa iyan. Gwapo, maganda, macho at seksi, bakit nga ba may ganiyan pa sa
mundo o dahil meron na rin naman bakit hindi lahat nakakuha niyan? Favoritism? Pangmayaman
lang ba iyan o kailangan pang sumali ng mga magulang sa isang rapol. Bibili
sila ng mga produkto na aabot sa halagang isang libong piso kung saan pwede ka
ng makasali sa rapol. Ang premyo ay inam na dasal para maging gwapo o maganda
ang magiging anak. Siguro para lang itong estado ng buhay na hindi dapat maging
pantay-pantay nang sa gayon ay di maganap ang World War III kung saan ang
pag-aawayan lang ay kung sino ang mas gwapo o mas maganda.
Kailan
kaya ako gagwapo? Siguro kapag yumaman ako pero papaano kung hindi? Kahit kasi
sabihin natin na mas mahalaga ang panloob na anyo ay ibang usapan pa rin kapag
maganda ang panlabas. Iyong tipong kahit saan ka pumunta maging sa pinakatagong
iskinita ay di pwedeng walang mapapatingin sa iyo. Kapag ako naman ang
lumalabas tanging mga isnatser lang ang tumitingin at nagkakainteres. Pero huwag
natin silang lalanglangin dahil sa panahon ngayon ay tsusi na sila.
Manghahalbot sila ng bag pero madidismaya kapag nalamang parang pangkaskas ng
yelo ang modelo ng iyong selpon. Ikaw na ang nanakawan, mabubukulan ka pa dahil
ihahagis nila ang ninakaw pabalik. Kanino ko ba dapat isisisi ang pagkakaroon
ko ng ganitong mukha? Sa tatay ko ba na hindi kagwapuhan este hindi talaga, sa
nanay ko na naglihi sa kung saan man o sa global warming kung saan sa pabagu-bago ng klima ay
naapektuhan na rin pati ang itsura ko?
Ano man ang sabihin nila, gwapo ako!
Ito ang paniniwala ko at ito ang pananaw na ipinaglalaban ko. Magunaw man ang
mundo sa ika-21 ng Disyembre sa taong 2012, matuloy man ang World War III at
malubog man sa tsunami ang buong Pilipinas ay taas noo ko pa ring ipagsisigawan
na “GWAPO AKOOOOOOOOOOOO!” Pero syempre biro lang dahil sigurado ko naman na
kahit ano ang sabihin ko ay magagalit ka. Sa sobrang inis ay maisipan mo pa na
hanapin ang pagkakakilanlan ko sa Facebook nang sa gayon ay mapahagisan mo ako
ng bomba mula sa limampung helicopter at dalawang pribadong jet na ipinangutang
mo pa. Sige na nga, sa tagal kong nabuhay sa mundong ito ay ito na ang panahon
para ipagmalaki at mahalin ang pagmumukha na mayroon ako. Sino pa nga ba ang
magdadamayan edi kami rin. Kapag ako’y malungkot ganoon din sya pero bakit
minsan parang malungkot pa rin ang mukha ko kahit ang totoo’y wagas na ang
kaligayahan ko? Kung gwapo lang sana ako magkakaroon ako ng sapat na lakas ng
loob para humarap sa maraming tao, maligawan ang hinahangaan kong nilalang at
paulit-ulit na magpiktyur para marami akong litrato na ibabalandra sa Facebook
dahil sa pangalan pa lang nito ay parang rekwayrment talaga ang pagmumukha! Ano
man ang itsura ko sa mundong ibabaw ay isasaisip ko na lamang na sa kabilang
buhay ay gagwapo rin ako pero kung gayon bakit ayaw ko pang pumunta roon? Dahil
syempre, baka mas mauuna ka sa akin dahil ang mukang damong tulad ko ay matagal
mamatay.
***
Sa aming magkakapatid ako ang pinakamabait.Subukan mong
umangal at makakatikim ka! Kung sakali mang bumuka ang lupa at higupin ang mga
masasamang nilalang sa mundo ay ako raw ang magliligtas sa kanila dahil naging
palasimba ako noon. Noong nasa ikalimang baitang ako ay narinig kong nag-uusap
ang mga kaklase ko na miyembro ng isang grupo ng mga kumakanta sa simbahan.
Nagandahan ako sa mga lugar na pinupuntahan nila tuwing tag-init kaya naman
iyon ang nag-udyok sa akin para sumali kahit ang boses ko ay tila nanggagaling
sa ilalim ng lupa. Hirap akong gumising ng maaga kaya naman kung hindi huli ay
hindi na ako nakapagsisimba. Hanggang sa umayaw na ako sa grupo lalo na noong
laitin ako na sintunado raw ang aking boses ng dalawang beses. Ngayon at
magpakailanman.
Sa tinagal-tagal na pamamalagi ko sa
mundong ito, hindi ko alam kung bakit hindi ko pa nararanasang maging masaya tuwing
araw ng mga puso. Mauunahan pa yata ako ng paggunaw ng mundo. Siguro malas lang
talaga tulad ng paulit-ulit kong pagkalugi sa pagtaya sa color game sa perya.
Taun-taon akong napipilitan na umiwas sa mga kainan na nagbibigay ng special
promo para sa mga magkasintahan. Binibigyan sila ng libreng lobo, bulaklak,
condom, puso na nakatusok sa isang istik na nababalutan ng plastik na
pinambabalat ko sa mga libro at higit sa lahat libreng kanin. Kami na nga ang
walang kadeyt, kami pa ang walang libre. Hanggang sabaw na lang ba talaga kami?
Kung sa bagay, masustansya rin ang sabaw pero siguro depende sa init. May sabaw
na lasang asin, kalawang, dura ng tindera at kapag nakatyamba ay may lasang malnuris
na baka. Dahan-dahan mong hihipan, aamuyin at kapag tumulo ay saka mo hihigupin
hanggang sa kiligin ang buo mong katawan.
Mula sa kinauupuan ko, naririnig ko
na naman ang mga kababaihan na aabot yata sa isang kanto ang mga tawanan na may
kasamang kilig. Pinag-uusapan nila ang mga kandidato para sa gaganaping paligsahan
ng mga nagsisigwapuhan at nagsisigandahang mga mag-aaral. Fetus pa lamang ako,
hindi ko na naranasang maging konsorte at hanggang sa ngayon nananatili na
lamang imahinasyon ang lahat. Minsan nga binoboto ko na ang sarili ko pero mga
kapwa ko unggoy lang ang mga bumoboto at naniniwala na guwapo rin ako tuwing
ika-dalawampu’t siyam ng Pebrero. Hindi ko pa nararanasan na maglakad sa isang
entablado, magsuot ng mga magagarang damit at patungan ng korona at ng babae.
Masakit para sa akin na makita ang isa sa mga gusto kong dilag na napapangiti
sa pagtitig sa mga larawan ng mga kandidato na nakasabit sa iba’t-ibang sulok
ng paaralan. Kinukuhanan pa nila ito ng litrato na kanila namang ipapaskil sa
kanilang mga kuwarto o banyo. Pero ano nga bang magagawa ko? Kung ano ang puno
ay siya ring bunga. Kung pangit ako, malamang ganoon din ang mga ninuno ko o
siguro totoo nga ang kumakalat na balita na nanuno lang ako.Kung makakakita ako
ng isang bote na naglalaman ng nilasing na genie ay hihilingin ko na maging gwapo
para maranasan ko namang habulin ng mga kababaihan hindi lang dahil sa utang
kundi dahil sa pagnanasa. Papaano nga ba ako mangarap? Halika, usap tayo.
***
Guwapo,
magandang pangangatawan na may walong tinapay at tinitingalang katangkaran.
Mapunpungay at singkit na mga mata, mapupulang mga labi, ilong na perpekto ang
pagkatatsulok at may kahabaan ang buhok dahil nakikiuso ako sa tinatawag nilang
K-Pop. Maputing kulay ng balat, mahusay magdala ng damit at higit sa lahat
lapitin ng mga kababaihan, matrona, biyuda, at ng mga dating kalalakihan na
ngayon ay mga babaeng may lawit na. Lahat na yata ng papuri na puwedeng marinig
o matanggap ng isang tao ay nasa akin na. Kung iuukit ako, malamang si David
ang kalalabasan ko. Kung ikukuwento naman, si Machete o Malakas ang kukumpleto
sa paglalarawan sa akin. Isa raw akong alamat na nabuhay na sa sobrang
kaguwapuhan ay pipigil sa papalapit na paggunaw ng mundo at lumalalang gobal
warming.
Noong
fetus pa lamang ako ay nahulaan na ng nanay ko na masasambot ko raw ang lahat
ng mga biyayang ipagkakaloob sa sangkatauhan. Hindi naman siya nagkamali. Nang
lumabas na ang aking ulo ay nagulat ang nanay ko dahil minadali ng kumadrona
ang pagpapaanak sa kaniya. Paglabas ko sa kung saan man niya ako inilabas ay
halos natulala ang lahat. Tumigil ang ikot ng mundo. Ang kanilang kilos at
pananalita ay napakabagal na para bang sa buwan kami nakatira. Ang kaninang
makulimlim na kalangitan ay nagliwanag. Bumukas ang mga ulap kasabay ng
napakaliwanag na sinag ng araw kung saan bumaba ang daan-daang Justin Bieber at
nagsi-awitan ng kantang “Baby.” Lahat sila ay nakatititig sa akin. May mga makikintab at kumukuti-kutitap na hindi nila
maipaliwanag kapag ako’y kanilang tinitingnan. Sa sobrang galak ng aking mga
magulang ay tinawag nila ang buong barangay para ako’y ipagmayabang.
Pinag-agawan ako ng mga tao. Hinalikan. Hinimas na kahit sanggol pa lamang
ako’y pinagnanasahan na. Inilarawan nila ako na para bang isang perpektong
nilalang na kailanman ay hindi pa nila nakita.
Araw-araw
may bumibisita sa aming bahay. Marami kaming natatanggap na pampers,
iba’t-ibang produkto ng gatas at tsupon. Marami rin ang nagbibigay sa amin ng
mga gulay, prutas kahit medyo bulok na iyong iba at kung minsan pa nga ay mga salapi.
Sa dami ng mga natatanggap namin, napilitan kaming magtayo ng isang tindahan
kung saan doon namin ipinagbibili ang lahat ng aming mga natatanggap. Sa taglay
kong kaguwapuhan naisip ng mga magulang ko na gumawa ng isang kuwento kung saan
sinabi nila sa lahat na susuwertehin daw kung sino man ang magbigay o mag-alay
sa akin. Ipinangalap nila ang impormasyon sa pamamagitan ng jiem at ngayon sa
Facebook. Nagtrending topic pa ako sa Twitter worldwide para sa ikaunang
puwesto.
“Ayon sa propesiya ay susuwertehin daw ang
sinumang magpalungad sa amin ng biyaya. Pass this message as many as you can.
After 15 minutes nandiyan na ang suwerte. Don’t erase kapag di pa napapasa, bad
luck will come. Gm ng bagong gising.”
Balak
kasing bumili ng bahay ng mga magulang ko noon. Tiba-tiba pag nagkataon. Kaya
bata pa lamang ako nasanay na ako sa ganiyang mga raket at negosyo. Wala pa
akong isip pero pinagtrabaho na agad ako kaya naman ngayon marangya na ang
aming pamumuhay. Isang kurap pa lamang ng aking mga mata ay tiyak kikita na
agad ako. Minsan nga lamang ay hindi ko maiwasang maiyak. Hindi dahil sa tuwa
kundi dahil sa libu-libong piso na inihahagis sa akin na nagiging dahilan ng
paglabas-pumasok ko sa pagamutan.
Ipinangak
akong sikat. Isa raw akong bituin na nagmula sa langit at ipinadala sa lupa para
pagnasahan ng sangkatauhan. Sa mura kong edad dama ko na ang mga naglalaway
nilang tingin sa akin. Higit pa isang superstar kung ako’y kanilang ituring. Sa
tuwing ako’y naglalakad may tumitili sa bawat hakbang ng aking mga paa. Tutungo
ako, may titili. Ngingiti, may titili. magsasalita, may titili. Mag-aayos ng
buhok at lahat na ng pwedeng ikilos ko ay may kasamang tili mula sa mga taong
kahit hindi ko naman kilala ay nahuhumaling. Minsan hindi na ako lumalabas ng
bahay. Kung pwede nga lang na ipakulong ko ang aking sarili ay gagawin ko nang
sa gayon ay hindi na nila ako habulin at sundan. Sa tuwing lumalabas kasi ako
ng bahay ay madalas akong pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Kapag
pumupunta ako sa tindahan ay inaabot ng
limang oras dahil sa mga taong walang sawa sa pagpapalitrato, pagkamay at
paghingi ng aking pirma kahit hindi naman ako maganda magsulat. Kung
nasususpinde ang klase dahil sa iba’t-ibang trahedya at masamang panahon,
madalas namang mawalan ng klase kapag ako’y tinatawag ng aking guro para
sumagot. Hindi ko alam kung bakit niya pa ako tinatawag gayong halos hindi na
kami magkarinigan dahil sa lakas ng tili ng aking mga kaklase. Madalas
masuspinde ang klase dahil sa akin. Sa dami ng gustong makarinig ng malamig
kong boses ay marami ang umaabot sa awayan lalo na sa sabunutan. Nakakatakot na
ring pumasok minsan dahil sa bawat segundo na ginawa ng Diyos ay palagi na
lamang may mga sumusunod sa akin. Pakiramdam ko tuloy darating ang araw na
madidisgrasya ako at pagtatangkaan ang aking buhay.
Kung
hindi ninyo naitatanong ako ang dahilan kung bakit ipinagbawal ang mga
naglalakihan at malalaswang billboard. Sa sobrang sarap ko kasing pagmasdan ay
libu-libong mga sasakyan ang hindi makatuon sa pagmamaneho. Nagiging dahilan
ako ng malawakang trapik. Marami pa nga ang naaaksidente dahil sa
pakikipag-unahan sa puwesto kung saan mapagsasawaan nila ang larawan kong
nakasuot lamang ng brip. Marami rin ang hindi kinakaya ang kagandahan ng aking
katawan at maumbok na berdugo. Karamihan sa kanila ay naoospital dahil
nahahayblad, nagdurugo ang ilong, nauubusan ng tubig sa katawan dahil sa
patuloy na paglalaway at ang iba naman ay nakakasuhan dahil hindi nila
mapigilang magsarili sa gitna ng maraming tao. Doon ko napatunayan na may mali
sa mga pag-aakala ng mga tao. Sinabi nila mapipigilan ko raw ang paglala ng
global warming pero sa dami ng taong nag-iinit ay mukhang lalala pa ito.
***
Isang
araw habang pauwi ay may grupo ng mga malalanding nilalang na nag-iinuman sa
kalsadang aking daraanan. Hinarang nila ako pero hindi ako nagpasindak.
Dahan-dahang kong tinanggal ang mga butones ng suot kong polo kung saan
nasaksihan nila ang maalindog kong dibdib. Niyaya nila akong uminom pero hindi
ako pumayag. Tumayo ako at sinubukang magpaalam pero agad nila akong pinaupo.
Hinawakan nila ang ulo ko. Binuka ang aking bibig kung saan pilit na ibinuhos
ang mapait na alak. Pinainom nila ako ng pinainom hanggang sa mahilo ako.
Maya-maya ay may naramdaman akong gumagapang na kamay sa aking hita. Agad ko
itong tinanggal ngunit hindi siya nagpatinag. Tumayo ang ilan. Natuwa naman ako
dahil inakala kong tapos na ang inuman. Hanggang sa mapansin kong nasa likod ko
sila. Hinawakan nila ang dalawa kong mga braso. Binusalan ang aking bibig ng
basahang tigpipiso ang halaga. Sapilitan nila akong hinila. Binuhat.
Kinaladkad. Patuloy akong nagpumiglas ngunit dahil sa katigasan ng ulo ko ay
hinampas nila ako ng matigas na kahoy. Dahilan kung bakit nawala ako sa ulirat
kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon para dalahin ako sa isang liblib na
bahay na malayo sa siyudad.
Malamig
na buhos ng tubig ang gumising sa akin kung saan iwinasiwas ko ang aking buhok
na animo’y modelo sa telebisyon. Agad naman akong sinampal ng hindi ko pa
nakikilalang nilalang. Dinakot niya ang aking buhok at sabay ibinalibag ako sa
isang malambot na kama na napupuno ng mga taluyot ng rosas. Mula sa aninag ng
buwan sa bintana ay doon ko napansin na inabutan na pala ako ng dilim.
Namalayan ko rin na nakatali ang aking mga kamay maliban sa paa. Anim ang mga
hitad na nasa aking harapan. Hinimas-himas nila ang aking mukha tulad ng
magkasintahan sa isang teleserye. Dahan-dahan nilang ipinapalibot ang kanilang
mga kamay sa aking katawan habang ako’y natatawa dahil sa kiliti.
Maya-maya
ay naging tuso’t hagung na hagong na ang mga pagmumukha nila. Agad nilang
hinubad ang aking damit. Sa sobrang inip ay sinira na lamang nila ito.
Hinalik-halikan nila ang aking dibdib na tinutubuan na ng mga bagitong balahibo.
Halik sa kaliwa, sa kanan at sa leeg maliban lang sa pusod ko na nakita nilang
madumi. Sa dinami-rami ng mga pinagkakaabalahan ko sa mundo huwag na silang
magreklamo kung hindi ako nakakapaglinis ng pusod. Kung tainga nga minsan lang,
pusod pa kaya. Naglilinis lamang ako ng tainga gamit ang aking hintuturo habang
nakikinig sa mga nakakaantok sa klase. Madalas naman, sa sobrang inip ay ilang
beses ko ng napapatunayan ang sabi nila na kaya pala dalawa ang butas ng ilong
ay para kapag nangungulangot sa kanan ay makakahinga pa sa kaliwa. Kapag naman
sabay, sa bibig na lang ako humihinga. Katangahaliang tapat iyon kaya naman sa
sobrang gutom ay tinikman ko na rin. Maalat pala.
Habang
kunwari’y aking inaalis ang maraming halik na gumagala ay may isa namang
umuungol na pinaglihi yata sa asong naubusan na ng balahibo dahil sa galis.
Tinggal niya ang sinturon kong puti. Binuksan ang aking siper pero sa huli
sinira niya rin ito. Maging ang panloob ko na iniregalo pa sa akin apat na taon
nang nakakalipas noong ako’y nagtapos sa hayskul ay hindi rin pinalampas.
Natulala ako sa mga sumunod na nangyari. Para akong isang robot na sumusunod sa
bawat iutos nila. Halos wala akong nagawa. Nang nagkaroon ng pagkakataon ay sinubukan
kong tumakbo para makatakas pero inabutan nila ako. Pinagsayaw nila ako sa
gitna na para bang isang macho dancer sa isang Paniki sa Dilim bar. Nang
makuntento ay mabilis nila akong pinag-agawan. Pinapak nila ako tulad ng
pamamapak ko sa gatas na inutang pa ng nanay ko. Sinamantala nila ang aking kahinaan.
Pilit akong humihingi ng saklolo sa tinig kong nasasarapan ngunit tila walang
nakaririnig. Paulit-ulit nila akong pinaglaruan. Ginamit. Pinagpasa-pasahan na
parang isang bola sa basketbol na naghahanap ng ring na mapapasukan. Binaboy
nila ako. Kinabayo at inaso .Paulit-ulit nila akong hinalay. Patuloy ako sa
pagsigaw ng “Tama na po. Huwag po. Aaah… Tama na po. Sige pa… Aaah… More… Tama
na po. Sige na nga isa pa. Huwag po.” Pagkatapos maubos ng kanilang lakas ay
huminto na sila.
Para
akong isang batang may lagnat na nakabaluktot dahil sa ginaw. Pagkatapos nila
akong pagsawaan ay iniwan nila akong walang ibang saplot kundi bimpo. Binaboy
nila ako at ngayon, ang dumu-dumi ko na. Para mas madrama tumayo ako at
sumandal sa pader kung saan dahan-dahan akong dumausdos. Bago pa man pumatak
ang pekeng luha ko sa kanang mata ay ninais kong hanapin sila. Mukhang nabitin
yata ako. Nakita ko sila sa sala na nag-uusap-usap. Kaniya-kaniyang payabangan.
Masarap daw ako. Ako na raw ang pinaka sa lahat ng natikman nila. Ang suwerte
raw nila dahil ako ang kanilang nabiktima kaya naman nagsibalik silang lahat sa
kuwarto. Karipas din ako sa pagbalik para naman di na sila mahirapan.
Nagtulug-tulugan ako. Nakiramdam sa mga susunod nilang hakbang na gagawin.
Laking gulat ko ng isang sako ang bumulaga sa akin. Pilit nila akong ipinasok.
Itinali ng may kaluwagan. Pinaikot ng sampung beses at saka iniligaw na parang
pusa. Paglabas ko sa sako ay napansin kong nasa harapan na ako ngaming bahay.
Doon ko napagtanto na mga kapitbahay ko lang pala ang umabuso sa akin. Siguro
hindi na sila nakatiis sa sobrang pangangati. Kung sa bagay minsan lang naman.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pa nila akong daanin sa
paspasan gayong papayag naman ako kung sinubukan nilang humingi ng permiso.
***
Hindi
rin madali ang mapunta sa posisyong mayroon ako. Nakakapagod ang maging sikat.
Nakakapanghina ang araw-araw na panggagamit sa akin ng mga tao. Hindi lang
katawan ko ang hinihingi nila kundi maging ang aking kaluluwa. Nakakapagod.
Paulit-ulit akong hinahabol ng mga kababaihan na kahit daang libo ko ng
nasaktan ay patuloy pa rin sa pagnanasa at pagkahumaling. Minsan nasasaktan na
ako pero inalisan nila ako ng karapatang magreklamo. Mabenta ako sa tuwing
sumasapit ang eleksyon kung saan nagpapalakihan sa bayad ang mga pulitikong
alam kong hindi naman tapat sa bayan. Mula kinder hanggang kolehiyo palagi ako
ang napipili nila para maging konsorte. Taun-taon akong pumaparada sa Flores de
Mayo. Tinatanghal at tumatanggap ng mga karangalan mula sa iba’t-ibang patimpalak
ng paguwapuhan at pagandahan.
Ganiyan
ang pangarap ko kung sakali mang makatagpo ako ng isang genie. Sa susunod kong
buhay, inaasahan ko na kapag ipinanganak ako ay matutupad na ang lahat ng mga
gusto kong mangyari hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa mga taong
mahal at mamahalin ko.
***
Kung tatapusin ko na ang walang
kwentang buhay ko tulad ng walang kwentang sulat na ito, malamang hindi iyon
mangyayari ngayong linggo. Bago ang lahat, kailangan ko munang sumama sa
pildtrip para naman malasap ko ang tunay na saya ng pagpunta sa EK Pagkakataon
ko na iyon para malaman kung tumataas ba talaga ang tumbong at nag-iiba-iba ang
pwesto ng mga bituka sa tuwing pababa ang direksyon ng space shuttle.
Kapag ako namatay gusto kong magkaroon ng asul na kabaong. Hindi naman sa ginagaya ko si Rico Yan na kahawig ko. Paborito ko lang talaga ang kulay na iyon tulad ng paborito kong libangan na pagtingin sa kalangitan lalo na kapag mataas ang sikat ng araw. Kasabay ng masarap na pagaspas ng hangin habang tahimik ang kapaligiran. Akala ko noon may mga tao ng nakapunta sa langit tulad ng mga astronot, piloto at iba pa na sumasakay sa mga sasakyang panghimpapawid. Akala ko kasi pagkatapos ng ulap at bago ka makapunta sa kalawakan ay madadaanan ang malaki, nakalutang at gintong tahanan ng Diyos. Noong bata pa kasi ako, pinaniwalaan ko iyon dahil sabi ng mga matatanda kapag kumukulog ay naglalaro raw ang Diyos ng bowling. Naisip ko tuloy, paano kung nahulog ang bola mula sa langit? Bubukas kaya ang kalangitan kung saan dahan-dahang bababa ang mga anghel sa saliw ng musika o madudurog ang bola at magpapalit anyo para maging ulan o isnow?
Pagdating naman sa litrato na ilalagay sa ibabaw ng aking kabaong, mas gusto ko na waki ang nakadispley para naman pagpasok pa lamang sa lamay ay may kaunting ngiti na guguhit sa inyong mga labi. Komedyante kasi ako at ayaw ko na may nakikitang malungkot kaya nga lagi ko kayong pinapatawa. Hindi na kayo mahihirapan sa paghahanap ng litrato dahil kahit seryoso dapat ang pows, waki pa rin ang kinalalabasan. Ikrap nyo na lang o kaya puwede na ang praymari poto ko sa peysbuk o kaya yung pinagkaguluhang litrato ng mga kaklase ko kung saan todo birit ako sa pagkanta. Ayaw ko kasi ng masyadong seryosong litrato at mas lalong ayaw kong idispley iyong litrato ko noong kami’y nagsipagtapos kung saan litaw ang lahat ng ngipin ko.
Amerikana ang gusto kong isuot kapag inilagay na ako sa kabaong. Hindi ko pa kasi nararanasang magsuot noon at pangarap ko na magkaroon ng trabaho sa isang kumpanya kung saan nakapang-amerikana ang mga manggagawa habang may bitbit na bripkeys. Bahala na kayo kung ano’ng kulay, pwedeng puti at pwede rin namang itim basta siguraduhin lang ninyo na gwapo akong tingnan at higit sa lahat maayos dapat ang pagkakaayos ng buhok ko. Madalas akong nahuhuli sa klase dahil sa pagsusuklay sa kulot kong buhok at hindi na rin ako sumasabit sa dyip para lang makaiwas sa pagkakagulo nito. Sa pantalon siguro, pwede na iyong ipinangpapasok ko sa iskul at syempre hindi na rin kailangang bumili ng sapatos dahil bago pa naman ang sapatos ko na araw-araw kong pinapakintab.
Sa sobrang hilig at dami kong alam pagdating sa musika, hindi tuloy ako makapamili kung ano ba ang papatugtuging kanta sa burol ko. Pero sa ilang araw na pag-iisip, siguro pwede na iyong “Making Love Out of Nothing atAll.” Bukod sa wagas na paghanga ko sa Air Supply, hindi man ito pamburol na kanta malaki naman ang naging bahagi nito sa buhay ko. Paborito ko ito mula noong ako’y natutong umawit at ito rin ang madalas naming kinakanta sa bidyoke ng mga kaibigan ko. Nakakatawa sigurong tingnan na habang inihahatid ninyo ako sa huling hantungan ay sumasabay kayo sa pag-awit habang lumalabas ang mga ugat ninyo sa leegat kinakapos sa paghinga dahil sa pag-abot sa mataas na nota ng kanta. Gusto ko rin na may bidyoke sa lamay ko para naman walang mainip, mapuno ng dalamhati at emosyon at sa totoo lang hahanap-hanapin ko iyon sa kabilang buhay. Saan kaya ako mapupunta? Sigurado naman na kahit nakagawa at patuloy akong gumagawa ng katarantaduhan, sa langit pa rin ang tuloy ko. Amen.
Kung hindi ninyo kayang bumili ng amerikana at asul na kabaong ko mas mabuti pang sunugin at maging abo na lamang ako. Kaysa naman pagkandarapaan pa ako ng mga insekto at ng mga daga sa sementeryo. Kung magsusugal naman kayo sa burol ko, siguraduhin lang ninyo na malaki ang tong na ibibigay ninyo. Sa lahat naman ng magtatapung-tapong at mga may magagandang loob na gustong mag-abuloy, “lowest P100” dapat. Hinihiling ko nga pala na sana ay huwag ninyong itapon ang mga gamit ko lalo na ang dalawang medalyon at mga klaskard na talaga namang pinaghirapan ko kahit minsan ay nangongopya ako “in series-parallel combination.”
Sa lahat ng nagmamahal sa akin kung mayroon man, lalo na sa pamilya at mga kamag-anak ko, sa mga kaklase, kaibigan, kapitbahay, mga ninong at ninang na hindi na ako sinisipot, sa mga kaibigan onlayn kahit di ko lubusang kilala at sa lahat ng mga taong nakakasalamuha ko habang nabubuhay pa ako, maraming salamat sa lahat. Nawa’y nag-iwan ako ng kasiyahan at magagandang ala-ala sa buhay ninyo. Maraming salamat at naging parte kayo ng buhay ko at paumanhin din kung minsan nagkakamali ako lalo na sa mga may ayaw o naging kaaway ko. Paki-jiem na lang sa lahat ang magiging pagkamatay ko. Salamat!
Kapag ako namatay gusto kong magkaroon ng asul na kabaong. Hindi naman sa ginagaya ko si Rico Yan na kahawig ko. Paborito ko lang talaga ang kulay na iyon tulad ng paborito kong libangan na pagtingin sa kalangitan lalo na kapag mataas ang sikat ng araw. Kasabay ng masarap na pagaspas ng hangin habang tahimik ang kapaligiran. Akala ko noon may mga tao ng nakapunta sa langit tulad ng mga astronot, piloto at iba pa na sumasakay sa mga sasakyang panghimpapawid. Akala ko kasi pagkatapos ng ulap at bago ka makapunta sa kalawakan ay madadaanan ang malaki, nakalutang at gintong tahanan ng Diyos. Noong bata pa kasi ako, pinaniwalaan ko iyon dahil sabi ng mga matatanda kapag kumukulog ay naglalaro raw ang Diyos ng bowling. Naisip ko tuloy, paano kung nahulog ang bola mula sa langit? Bubukas kaya ang kalangitan kung saan dahan-dahang bababa ang mga anghel sa saliw ng musika o madudurog ang bola at magpapalit anyo para maging ulan o isnow?
Pagdating naman sa litrato na ilalagay sa ibabaw ng aking kabaong, mas gusto ko na waki ang nakadispley para naman pagpasok pa lamang sa lamay ay may kaunting ngiti na guguhit sa inyong mga labi. Komedyante kasi ako at ayaw ko na may nakikitang malungkot kaya nga lagi ko kayong pinapatawa. Hindi na kayo mahihirapan sa paghahanap ng litrato dahil kahit seryoso dapat ang pows, waki pa rin ang kinalalabasan. Ikrap nyo na lang o kaya puwede na ang praymari poto ko sa peysbuk o kaya yung pinagkaguluhang litrato ng mga kaklase ko kung saan todo birit ako sa pagkanta. Ayaw ko kasi ng masyadong seryosong litrato at mas lalong ayaw kong idispley iyong litrato ko noong kami’y nagsipagtapos kung saan litaw ang lahat ng ngipin ko.
Amerikana ang gusto kong isuot kapag inilagay na ako sa kabaong. Hindi ko pa kasi nararanasang magsuot noon at pangarap ko na magkaroon ng trabaho sa isang kumpanya kung saan nakapang-amerikana ang mga manggagawa habang may bitbit na bripkeys. Bahala na kayo kung ano’ng kulay, pwedeng puti at pwede rin namang itim basta siguraduhin lang ninyo na gwapo akong tingnan at higit sa lahat maayos dapat ang pagkakaayos ng buhok ko. Madalas akong nahuhuli sa klase dahil sa pagsusuklay sa kulot kong buhok at hindi na rin ako sumasabit sa dyip para lang makaiwas sa pagkakagulo nito. Sa pantalon siguro, pwede na iyong ipinangpapasok ko sa iskul at syempre hindi na rin kailangang bumili ng sapatos dahil bago pa naman ang sapatos ko na araw-araw kong pinapakintab.
Sa sobrang hilig at dami kong alam pagdating sa musika, hindi tuloy ako makapamili kung ano ba ang papatugtuging kanta sa burol ko. Pero sa ilang araw na pag-iisip, siguro pwede na iyong “Making Love Out of Nothing atAll.” Bukod sa wagas na paghanga ko sa Air Supply, hindi man ito pamburol na kanta malaki naman ang naging bahagi nito sa buhay ko. Paborito ko ito mula noong ako’y natutong umawit at ito rin ang madalas naming kinakanta sa bidyoke ng mga kaibigan ko. Nakakatawa sigurong tingnan na habang inihahatid ninyo ako sa huling hantungan ay sumasabay kayo sa pag-awit habang lumalabas ang mga ugat ninyo sa leegat kinakapos sa paghinga dahil sa pag-abot sa mataas na nota ng kanta. Gusto ko rin na may bidyoke sa lamay ko para naman walang mainip, mapuno ng dalamhati at emosyon at sa totoo lang hahanap-hanapin ko iyon sa kabilang buhay. Saan kaya ako mapupunta? Sigurado naman na kahit nakagawa at patuloy akong gumagawa ng katarantaduhan, sa langit pa rin ang tuloy ko. Amen.
Kung hindi ninyo kayang bumili ng amerikana at asul na kabaong ko mas mabuti pang sunugin at maging abo na lamang ako. Kaysa naman pagkandarapaan pa ako ng mga insekto at ng mga daga sa sementeryo. Kung magsusugal naman kayo sa burol ko, siguraduhin lang ninyo na malaki ang tong na ibibigay ninyo. Sa lahat naman ng magtatapung-tapong at mga may magagandang loob na gustong mag-abuloy, “lowest P100” dapat. Hinihiling ko nga pala na sana ay huwag ninyong itapon ang mga gamit ko lalo na ang dalawang medalyon at mga klaskard na talaga namang pinaghirapan ko kahit minsan ay nangongopya ako “in series-parallel combination.”
Sa lahat ng nagmamahal sa akin kung mayroon man, lalo na sa pamilya at mga kamag-anak ko, sa mga kaklase, kaibigan, kapitbahay, mga ninong at ninang na hindi na ako sinisipot, sa mga kaibigan onlayn kahit di ko lubusang kilala at sa lahat ng mga taong nakakasalamuha ko habang nabubuhay pa ako, maraming salamat sa lahat. Nawa’y nag-iwan ako ng kasiyahan at magagandang ala-ala sa buhay ninyo. Maraming salamat at naging parte kayo ng buhay ko at paumanhin din kung minsan nagkakamali ako lalo na sa mga may ayaw o naging kaaway ko. Paki-jiem na lang sa lahat ang magiging pagkamatay ko. Salamat!
***
Banyo, kubeta, palikuran at comfort
room. Rest room ang itawag mo kung maarte ka manalita na nakikiuso sa mga
nagpupumilit mag-ingles kahit mali-mali naman. Lahat ng iyan pare-pareho lang
ang ibig sabihin para sa akin. Sa isang mahirap na tulad ko, himala ang
kailangan para magkaroon ng hiwalay na banyo at palikuran. Naaalala ko noon,
wala pa kaming kubeta kaya naman sa kung saan-saan lang ako dumudumi. Sa ilalim
ng puno ng saging habang naghihintay sa agimat mula sa puso nito, sa likod o
tapat ng kapitbahay at minsan sa itaas ng puno ng mangga kung saan ako natilas.
Mabuti na lamang at may alaga kaming aso. Ang kaniyang pangalan ay whity dahil
puti ang kaniyang kulay. Nag-alaga yata
kami ng aso hindi para tahulan ang mga masasamang loob kundi para ipakain sa
kaniya ang mga dumi namin na naglipana. Kapag naman wala siya sa mood, sa plastic
o dyaryo na lamang ako dumudumi. Kapag natapos na ay ihahagis ko na ito sa kung
saan man ito dalhin ng tadhana. Magmimistulan itong isang biyaya mula sa kalangitan.
Nakasanayan ko ang mga gawaing ito noon kaya naman ngayong malaki na ako ay
tila hinahanap-hanap ng katawan ko.
Mula sa pagkakahimbing habang nakapulupot ang kumot sa
aking katawan, ginising ako ng tiyang nag-aalboroto. Tulad ng dati,naunahan ko
na namang gumising ang alarma ng selpon kong walang “send to many” na nawala ang aykon ng network noong
ito’y bumagsak. Sa tamang lohika, ibinagsak ko ulit ito sa pagbabakasakaling
bumalik pero hindi ako nagtagumpay. Mula sa limang oras na pagkakatulog,
bumangon na ako sa higaan para hindi na ulit mahuli sa klase.
Tulad ng nakasanayan, ako lagi ang
nahuhuling maligo kahit ako ang may malayong eskwelahang pinapasukan. Bago
pumasok ay may pitong bagay lamang ang hindi ko dapat malimutan:
-ang calculator ko na may istiker ni
Avril Lavigne sa likod. Sobra kong hinahangaan si Avril at sobra akong natuwa
noong nalaman kong kapangalan ko pala ang asawa niya. Noong nalaman ko saka
naman sila biglang naghiwalay, naisip ko tuloy ako ang may kagagawan. Apat na
taon ko na ring gamit ang calculator na medyo nasisira na. Dahil wala akong
pambili nilagyan ko na lamang ito ng pandikit pero wala rin akong napala.
Tumigas ang mga pindutan kaya naman ngayon, pahiram-hiram na lang ako.
-ang payong ko na kahit papaano
tumagal na rin ng ilang taon. Sa susunod itatago ko na ito sa bag kahit medyo
basa pa. Naiinis kasi ako kapag itinatakas ito ng kapatid ko na walang ginawa
kundi ang manguha ng gamit. Naiwala nya ang payong niya at iyong akin naman ang
pinag-iinteresan. Halos nakipag-ilagan pa tuloy ako sa ulan para lang makapasok
pero bago iyon nanood muna ako ng “Sponge Bob” habang hinihintay na humina ang
ulan.
-ang panyo ko na minana ko pa sa
nakatatanda kong kapatid at iyong isa naiwan lang ng kaklase ko sa bahay. Dahil
hindi na niya binalikan akin na lang. Ang hirap kapag walang panyo, sa init ng
panahon hindi pwedeng hindi maglalapot ang pagmumukha ko. Hindi ako makabili ng
sarili kong panyo, bukod sa namamahalan ako ang papangit pa ng mga tindang
nakikita ko.
-ang usb na kailangan ko talagang
dalhin para makapagdownload ng porn videos este para pala kapag may biglang
pinagawa na research ang titser ko na sa wakas ay natandaan na rin ang pangalan
ko.
-ang selpon ko na kahit walang nagteteks
ay kailangan pa ring dalhin. Madalas akong magteks pero ewan ko ba kung bakit
ayaw nila akong iteks. Virus ba ko na kapag nireplayan maaari silang mahawa?
Kaya naman kadalasan ginagawa ko na lang itong salamin pagkatapos magpolbo
sabay tanong sa katabi na “maitim ba?”
-ang mura kong polbo sa halagang
onse pesos. Sa itsura kong ito mukhang rekwayrd talaga ang magpolbo. “Pangit na
nga di pa magpopolbo.”
-at syempre ang pinakamahalaga sa
lahat ay ang baon! Kung wala nito papaano ako makakapasok at mamamasahe? Pero nakakatuwa
dahil kada taon nadadagdagan ng sampung piso ang baon ko at kahit na ganoon,
madalas umiisip pa rin ako ng anumang bagay na kunwari ay babayaran namin,
kurakot? Iyan ay isang bahagi lamang ng pagiging estudyante.
***
Masyadong malamig ang panahon kaya
naman naisipan kong mag-init ng tubig pampaligo. Nangilabot, napasigaw at
napatalon ako sa pagbuhos ng tubig na hindi man lang tinalaban ng pinainit kong
mineral water. Dali-dali kong kinuha ang shampoo at tulad ng inaasahan naubusan
na naman ako kaya naman sabon na naman ang natikman ng kulot kong buhok. Habang
nakapikit dala ng pagkaantok, sinasabon ko na ang aking katawan na bagamat
payat ay matso naman. Hindi ko namalayan na unti-unti na palang dumudulas ang
sabon sa kamay ko hanggang sa mahulog ito sa inodoro. Natulala at napaisip ako
sa karumal-dumal na kaganapan kaya naman ako’y pumikit muli, inilabas ang dila
habang pinipigil ang paghinga at sabay dakot sa sabong nahulog. Hinugasan ko
ang sabon hanggang sa mauspod at saka ginamit sa mukhang kanina pa naghihintay
na malinisan.
Makikita ko naman ang kaklase kong lihim kong
pinagnanasahan. Kaya naman sa sobrang sabik ay dali-dali akong nagbihis suot
ang bagong damit na bigay ng tito ko. Habang nananalamin, unti-unti kong
sinusundot ang puwit upang pakiramdaman kung may pagsabog na magaganap ngunit
napigilan na ito dahil wala akong inalmusal. Nakasakay na ako sa dyip na
punong-puno na naman ng mga pasahero at patuloy pa ring nagpapasakay kahit wala
ng mauupuan.
“Kainis nga e, ang aga kong pumunta dito tapos
ang tagal pa palang mapuno ng dyip,” teks ng katabi ko sa kaliwa.
“Woot woot… Ayun… Naiinip na talaga ko mahal
ko, teks ka pag nandyan ka na ha, jejeje.” teks ng katabi ko mula sa kanan. Sa
sobrang inip nagbabasa na lang ako ng teks ng mga katabi ko.
Sa
sobrang sabik ko ay muli na namang nag-alboroto ang puwit na kanina’y
nagpanggap lang pala na tahimik. Bakit kapag kinakabahan o nasasabik para akong
matatae? Umarangkada na ang dyip na pang bus ang laman habang ako’y nag-iisip
kung bababa na ba gayong kasasakay lang o susubukan na lamang na pigilan ang
tawag ni Diwatang Eva. Lumipas ang mga minuto at nagawa ko namang pigilan ang
nagagalit na bulkan subalit nangangamba pa rin dahil sa bawat pasulong, pababa
at lubak-lubak na madaanan ay para bang nagkaroon ng butas para tuluyang
makalabas sa rehas ang mga presong ikinulong ko ng tatlong araw sa tiyan.
Apatnapung
minuto ang lumipas bago ko narating ang paaralan pero kahit masama na ang pakiramdam
ay nagawa ko pa ring lumakad ng maayos na parang Bench model lang. Paikot-ikot
ako sa silid-aralan, paiba-iba ng pwesto, uupo at maya-maya’y tatayo para lang
mapigilan ang pagbulwak ng mga preso. Nilibang ko ang sarili para makalimutan
ang masamang tiyan at minabuti ko na lang na mag-isip subalit sa kahit anong
isip ko ay may dalawang istorya ang pilit na pumapasok. Una ay ang mga kaklase
ko noon na napadumi sa iskul at pangalawa ay ang istorya sa isang telebisyon
kung saan isang babae ang pinabasa sa unahan ng istoryang tungkol sa mga bulkan.
Sa tuwing magbibigkas ito ng salitang pagsabog ay mas nag-aalboroto naman ang tiyan
ng isang lalaki na minabuting maupo sa likuran para makaiwas na rin sa
kahihiyan.
Marami na naman ang nagtsitsismisan,
may nag-aaral, nag-aaral-aralan, natutulog, nagseselpon, may mukhang di na
humihinga sa likod at ang iba naman ay nasa labas. Paulit-ulit lang ang mga
senaryong nagaganap sa araw-araw. Isa na riyan ang iba’t-ibang sulat na nagpapahayag
ng damdamin sa mga pader at sa mga nasisira nang mga upuan. Sa sobrang dami ng
bandalismo mukhang kahit ayaw ko ay nasasaulo ko na ito. Iyong isa ko namang
kaklase masyadong mapagpapaniwala na dapat subsob lagi sa pag-aral kaya naman iyong
mukha niya ay isinubsob sa notbuk. Naisip ko tuloy kung ano nga bang ginawa nya
sa matalinhagang salita na dapat magsunog ng kilay. Ang isa naman naglalabas ng
kakaibang tunog na parang nagtatawag ng masasamang ispirito pero ang tungag
tulog na pala. May isang grupo ng kababaihan na masaya na namang
nagtsitsismisan habang nakatingin sa akin. Sa tingin ko iniisip na naman nila
kung bakit ako may tsokolate sa mata, dugo na naipon dahil tinusok ng kapatid
kong hudas noong mga bata pa kami. Bakit kaya ganoon, ang daming seryosong
mukha ang tumitingin sa akin at kapag tiningnan ko naman sila iiwas at
mapapatawa. Nakakatawa ba talaga ang mukha ko kaya naman kapag malungkot sila
mukha ko ang pinagtitripan? Sa likod ako nakaupo kaya naman kitang-kita ko ang
lahat pati na rin ang katotohanan na kahit may load ang lihim kong iniibig ay
hindi niya ako magawang iteks kahit palagi ko naman siyang tineteks. Kapag
ganito ang mga sitwasyon, mabuti pang umub-ob at magpanggap na natutulog na
lamang.
Mainit
ang kapaligiran dahil sa mainit na sikat ng araw subalit ang katawan ko’y
patuloy na binabalot ng kalamigan na nagpapatayo sa aking mga balahibo. Habang
nagpipigil, nag-iisip na ako kung saan maaaring dumumi pero hindi ko pipilian
sa kubeta ng iskul dahil tiyak marami ang makakasaksi.Lumabas na ako ng silid-aralan,
minabuti kong umuwi na lang at bigla kong naisip na makibanyo sa isang lugar
subalit wala talagang pakisama ang tadhana dahil nadatnan ko ang mga kaklase ko
doon kaya naman pinili ko na lamang na umuwi. Malamig na pawis ang bumalot sa aking
katawan at hindi pa rin mapakali sa kinauupuan sa dyip. Inis na inis ako sa
sarili ko dahil sa nasayang kong pamasahe pauwi at pabalik kung saan wala naman
akong napala. Umandar ang dyip at patuloy kong pinipigil ang pagbuka ng butas
sa puwit gayon na rin ang pag-utot nang sa gayon ay hindi ako mapagkamalang
isnatcher ng mga katabi ko. Ngunit sa sobrang daming utot ang hindi ko
pinakawalan ay lalo akong nag-alboroto at nais na rin lumabas ng mga utot sa
bunganga ko dahil sa pagkakakulong sa puwitan.
Nangangalahati na ang daan at sa
wakas malapit ko ng masaksihan ang tagumpay at kaginhawaan sa pakiramdam nang
biglang sunud-sunod ang pumara, andar… tigil… andar… at tigil muli hangang sa
di na ako nakapagtimpi. Malayo pa ako sa bahay pero buong tapang na akong
bumaba sa dyip para tahakin ang kagubatan at doon, ibinuhos ko ang lahat ng
nararamdamang sama ng loob. Naghanap ako ng lugar na madamo kung saan walang
makakakita sa kahihiyang gagawin at para tuluyan na ring makapagbawas. Naupo ako
sa likod ng malagong damuhan at sabay tanggal sa brip at pantalon. Payapa ang
hangin habang mataas pa rin ang sikat ng araw at sa wakas ang mga preso’y
nag-unahan na sa paglabas na parang mga nakawala sa kural. Naging maingay ang
bawat paglabas nila na sinasabayan ng mabahong utot pero ang kasindak-sindak na
bumulaga sa akin ay ang purarat na taeng kulay lupa. Ibinigay ko ang lahat ng
makakaya ko sa pag-iri hanggang sa tuluyan na silang makaalpas. Kinuha ko ang
malalapad na dahon sa harap at dahan-dahang ipinahid sa puwit.
Natapos
na ang seremonya kaya naman dali-dali akong tumayo at muling isinuot ang brip
at pantalong di nabahiran ng tae. Sakses ang lahat kaya naman maaari na akong
makauwi kaysa bumalik pa sa iskul. Habang nakatayo, tumingin ako sa maaliwalas
na kalangitan at pinasalamatan ang lahat ng mga santong kilala ko para sa
pagsasalba nila sa akin sa oras ng panganib. Ngunit sa pagtalikod ko, isang
katotohanan ang sumambulat sa akin. May isang manong na nagtitinda ng sorbetes
ang kanina pa palang umiihi sa bandang likuran at nasaksihan niya ang
pagpapakawala ko sa mga presong tatlong araw nang nakaburo sa aking tiyan.
Dahan-dahang humangin, nagtagpo ang aming mga mata na tila ba nangungusap at
nginitian ako na para bang nang-aasar.
Hindi
ako nakapag-isip agad at natigilan ako sa mga pangyayaring naganap pero dahil hindi
ko naman siya kilala, taas-noo pa rin akong lumakad ng mabilis with flying
colors tulad ng isang modelopara maiwasan na rin ang mga taong bigla na lamang
sumusulpot sa kung saan, sa maling panahon at pagkakataon. Lumakad ako hanggang
sa makalayo at nang maabot ang susunod na kanto ay muli kong binalikan ng
tingin si manong. Laking gulat ko nang patuloy pa rin itong nakatingin sa akin.
Mukhang nagustuhan niya yata ang maitim kong puwit.
***
Ang kubeta ang nagturo sa aking
kumanta. Kapag walang tao sa bahay ay papasok ako dito para bumirit ng mga
awitin ng “Air Supply” hanggang sa maputol ang mga ugat ko leeg. Ang pinakaayaw
ko sa lahat ay ang pagbabawas. Naaamoy ko kasi ang nagiging dahilan ng polusyon
sa bansa. Ito rin ang nagpapalala ng global warming. Ang kubeta ay hindi lang
inimbento para sa pagbabawas at paliligo. Ginagamit din ito bilang isang
malaking papel na pinupuno ng mga bandalismo.
Bukod sa mapangheng amoy, nakakasuka rin ang mga pwede mong mabasa. Ang
iba’t-ibang mensahe ay naglalaman ng iba’t-ibang emosyon. May mga nagsusulat ng
pangalan nila para sumikat. May mga nagpapahiwatig ng paghanga sa isang babae.
May naglalagay ng kanilang mga numero at may mga tila naghahanap ng kalandian.
May tatlong klase ng tao na
pumapasok sa kubeta. Ang liberated, konserbatibo at kalan. Siguro nandoon ako
sa grupo ng mga liberated. Madalas kasing sundutin ng mga kaklase ko ang aking
puwit. “Sarap! Isa pa nga.” Kami ang mga umiihi sa labas kung saan sinu-sino
ang pwedeng makakita sa iyo. Kaniya-kaniyang payabangan, palakihan ng angry
bird at pataasan ng ihi. Iyong iba, doon na yata nagbubunot ng bulbol. Ginagawa
pang pangbara sa ihi kasama ng mga plema at babolgam. May mga kalalakihan naman
na masyadong mahiyain. Sila ang mga konserbatibo na hindi iihi hangga’t walang
espasyo sa mga kubeta. Iyong iba sobrang aangas kung umasta. Aakalain mong may dudukuting
mahalagang bagay sa bag pero polbo lang pala. Pahid sa noo, sa pisngi,
sa ilong na may tagiyawat, sa leeg na may libag na napagkakamalang kwintas at
labu-labo na hanggang sa maramdaman nilang gwapo na kunyari. Sila ang mga
tinatawag na kalan, isang grupo ng mga may taglay na kalandian! Minsan inaakala
nilang isa rin ako sa kanila sa pagkakaroon ko ng kisabol lips.
Ganito
kasi iyon. Noong unang panahon este noong araw kahit gabi talaga iyon, naaalala
ko naglalaro kami ng tagu-taguan sa tapat ng bahay namin. Umaakyat kami sa puno
ng bangkok na santol para magtago. Sumisisid sa ilalim ng kanal na ubod ng baho
at sa kung saan-saan pang matataas na lugar na pwedeng pagtaguan. Madalas
umaakyat ako roon para lang mamboso. Sa isang madilim na lugar na napapalibutan
ng maraming kangkong, kasabay ng nakakasuklam na amoy ng babuyan at ipot ng mga
manok ng kapitbahay na madalas naming tinitinola, nakakita ako ng isang tuyong
posonegro na noon ay inakala kong lungga ng mga maligno. Agad-agad kong niyaya
ang mga kalaro ko para roon ay magtago. Sabi ng kalaro ko na may maitim na balat
sa leeg ay matatagpuan daw doon ang isang pugot na ulo ng itim na baboy. Tuwing
gabi raw ay lumulutang ito at nagmamasid sa mga dumaraan sa madilim naming
kalsada. Hindi ko alam kung totoo iyon o inuuto niya lang ako. Siguro totoo nga
dahil mukhang may taglay na bluetooth ang itim niyang balat. Habang naglalakad
ay sinalubong kami ng isang maitim na pusa. Nagulat ako pero hindi ko
pinahalata. Siyempre, tapang-tapangan muna ako. Sa susunod na lakad halos hindi
na ako nakagalaw. Bumungad na sa amin ang pugot na ulo ng baboy. Sa sobrang
gulat ay agad kaming kumaripas pabalik. Wala nang kaibi-kaibigan, ang maiwan
bahala na. Ang habulin ng lumilipad na ulo ng baboy, ipagtitirik ko na lang ng
kandila. Ang mahalaga makaalis ako sa nakakatakot na lugar na iyon.
Pag-uwi
ko sa bahay kinuwento ko sa nanay ko ang mga nangyari. Nahabag naman siya at
natakot. Hanggang sa sabihin niya na nanuno raw ako kahit hindi niya naman alam
kung ano talaga ang itsura ng isang nuno. Kaya naman dumekwat siya ng mga
panggatong sa kapitbahay namin na isa rin sa mga dahilan ng pagkasira ng
kalikasan. Ang dami talaga naming napapala sa kanila. Madalas nga tinataningan
ko na ang buhay ko at nawawalan na ng pag-asang mabuhay pa. Sa sobrang baho
kasi ng babuyan nila malamang mauuna pa ako sa paggunaw ng mundo.
Sinigaan
ako ng nanay ko este pinausukan para raw makontra ang nuno. Hindi ako
naniniwala kahit sabi ng iba mukha raw akong nuno. Natutuwa ako sa kakalundag
sa apoy kaya naman pinagbigyan ko na lang ang trip ng nanay ko. Ang masama nito,
natulog akong amoy usok. Ayaw ko ngang maligo. Masyadong malamig ang mga
panahon ng gabing iyon. Malakas din ang hangin na tila nagpapatayo sa mga
balahibo ko sa kanang braso. Exempted muna ang mga balahibo ko sa kaliwa dahil
napagod sa pakikipagtaguan ko. Kinabukasan, bukod sa tutut kong tigas
nararamdaman ko na tumitigas din ang nguso ko. Naalala ko tuloy ang isa sa mga
kuwento ng titser ko sa hayskul.
“Ang Nguso, bow”
Ayon sa
kaniya may isang bingot na nangarap na makapagsalita ng normal. Sabi ng doktor
kinakailangang kumuha ng balat sa ibang parte ng kaniyang katawan. Pumayag siya
kaya naman kumuha ng balat sa kaniyang lambi. Isang araw, habang nakatambay ay
may dumaang mga musiko. Dahil normal na siya, agad na siyang nagpagwapo sa
harap ng mga naggagandahang dilag na tila sarap na sarap sa paghawak ng baton.
Maya-maya, unti-unti na siyang pinagpapawisan kakatingin sa mga nagpuputiang
hita. Nagising at nanigas na si tutut. Pero kasabay nito, nanigas din ang
kaniyang labi. The end.
Hindi ko
alam kung ano ang nangyayari sa labi ko. Masyadong tuyo, nanunuklap at higit sa
lahat nakakairita. Sa mga puntong iyon, gusto ko ng maniwala sa nanay ko na
nanuno na nga ako. Ibig sabihin hindi tumalab ang pausong pausok na ginawa niya
noon? Aftershock siguro.
Kinabukasan
muli, napansin ko na nangitim na ang gilid ng labi ko. Hindi kaya unti-unti na
kong mangingitim hanggang sa maging kahawig ko na iyong pugot na ulo ng baboy?
Mas lalo akong kinabahan. Patuloy pa rin itong nanunuklap kaya naman para
malunasan ay kumuha ako ng pinagprituhan ng mantika. Pagkatapos mangulangot ay
idinutdot ko na ang kamay ko saka ipinahid sa nguso na apektado na yata ng El Niño.
Putik, tumalab nga pero sobrang hapdi. Sa sobrang inis ko gusto ko ng pektusan
ang sinumang makakasalubong ko. Pakiramdam ko, sobrang pangit ko na. Sobrang
nakakawala ng tiwala sa sarili, ng kaguwapuhan at ng kakapalan ng mukha.
Mabuti
na lang nauso na ang internet sa bayan namin na kailanman ay hindi na yata
aasenso. Naghanap ako ng mga paraan na makakaresolba sa pagkanuno ko.
Nagresearch ako, nauwi sa Facebook. Research, nauwi sa panood ng porn movies.
Research, nauwi sa kakabasa ng status ni crush. Research, aksidenteng nalayk ko
ang litrato ni crush. Ooops… Time na. Next time na lang ulit. Nakakatamad kasi
tapos wala pa akong mahanap na nakasulat sa wikang Tagalog. Lahat puro Ingles,
kaya pag-uwi ininglis ko ang tatay kong lasing. Tinanong niya ko kung nasaan
iyong layter. Sabi ko “there oh, don’t you see Dad.” Pagtalikod ko pinaltok
niya ako ng baso. Napakasakit. Palagi na lang ba akong mali? Makasalanan ba ako
bilang anak? Saan ako nagkulang? Napaltok lang nagdrama na, hindi ba puwedeng
magsenti muna? Kaya iyon, kinagabihan hinintay ko siyang matulog. Kinuha ko sa
aparador ang pahamak na layter na iyon. Lumabas ako ng bahay, nagsagawa ng
ritwal at dasal ng pamamaalam. Saka ko binugbog hanggang sa madurog ang layter
na iyon. Iyon ang bagay sa kaniya. Buwahahahaha, tumawa ako na parang isang
kontrabida sa pelikula. Buwahahaha. Hanggang sa may bumatok sa likod ko. Gising
pa pala ang tatay ko kaya naman kumaripas ako hangga’t may lupa. Siguro
pag-alis ko pinuntahan niya ang layter. Lumuhod. Hinimas-himas. Unti-unting
tutulo ang luha. Sa huli, isisigaw niya ang brand nito habang nakatingala sa
langit.
Isang
araw, habang nananalamin ay may napansin akong mapulang butlig sa nguso ko.
Muli akong kinabahan at napamura ng apat na beses. Ano na naman ito? Extension
ng pagkanuno? Hanggang sa dumating ang punto na namaga ito. Ang kapal na ng
mukha ko ang kapal pa ng labi ko. Siguro noong nagsabog ang Diyos ng kakapalan,
ipinatabi ko muna tapos ngayon ko lang binawi. Mukhang binabantayan yata ako ng
mga nunong iyon. Hindi siya masakit pero para kong nagpadagdag ng nguso. Libre nga
pero nakakainis. Mas matangos pa ang nguso ko kaysa sa ilong ko. Pero natanggap
ko na rin, sabi kasi ng iba pouty lips daw. Lakas maka-Zanjoe, ayiii. Namumula
ako kunyari sabay takip ng panyo sa pouty kong labi, ayiii ulit. Guwapo much.
Sa
tinagal-tagal ng paghahanap ko ng kasagutan, sa wakas nakatagpo rin. Sa sobrang
tuwa ko gusto kong balibagin ang katabi ko sa computer shop na napakabaho ng
hininga. Pagmulat na pagmulat yata ng mata niya ay hindi na nag-almusal at agad
na tumakbo sa shop. May kulangot pa siyang nakalawit, double eew! Kailangan ko
ng tunay na kasagutan dahil ayaw ko ng umasa sa panggagamot ng albularyo. Baka
ang sabihin, may nagkagusto sa aking mga kaluluwa tulad ng white, mlack, mlue
mink, myellow at kung anu-ano pang kulay ng mga ladies na iyan na hindi
nakikita ng mata kong may tsokolate. Ayaw ko na rin naman na pausukan pa akong
muli ng nanay ko. Mukhang inuuto niya lang ako nang mga panahong iyon. Tulad ng
pang-uuto niya sa akin na ibigay ko raw sa kaniya ang mga napamaskuhan ko. Ang
hirap kayang mamasko sa bawat bahay.
Para
magkaroon ng mapula’t makintab na labi, sipilyuhin ang ngiping puno ng ngima.
Piliting alisin ang naburong karne ng baboy o tinga. Sipilyuhin na rin ang labi
paikot. Mas maganda kung kulay pula ang toothpaste na gagamitin pero kung ayaw
mo e di huwag. Punasan ang natuyong labi at kapag natuyo, woooow… Gumalaw ng
napakabagal na parang naglalakad sa buwan. Unti-unting humarap sa salamin na
buo ang loob. Maging matikas ang tindig na parang model lang. Nakangiti na tila
nang-aakit. Sa wakas, kuhang-kuha ko na ang magandang labi na kokontra sa
pagkanuno ko.
Papasok
na ako sa iskul. Sumakay sa dyip. Tahimik ang mga pasahero, ibig sabihin hindi
magkakakila-kilala. Dahil kung kilala nila ang isa’t-isa malamang madadaig pa
ng paradahan ang ingay ng palengke. Maya-maya ay tiningnan ako ng babae. Tapos
ng bata, ng matanda, ng lalaki at ng isa pang nilalang na hindi nakikita ng
ordinaryong mata. Hindi nila ko tinitingnan sa mata pero sa akin sila nakatingin.
Iyon pala, sa labi ko sila nakatitig. Sana naging labi na nalang ako na
tinubuan ng katawan. Mukhang sisikat ako nito. Sabi nga ng kaklase ko piktyuran
ko raw ang labi ko. Ipost ko sa Facebook tapos itag ko raw sa kanila. Pakilike
na rin. Kung gusto nilang tikman sabihin agad. Hindi iyong hanggang tingin na
lamang. Madali naman akong kausap e. Ilang beses ba nila akong tititigan este iyong
labi ko pala? Palagi na lamang akong pinagnanasahan. Pakiramdam ko tuloy ang
dumi-dumi ko na. Minsan nahihiya na rin ako pero wala akong pagpipilian. Iyon
lang ang solusyon sa pagkanuno ko.
Karamihan
naman lalo na sa mga babae napapakagat labi. Nahuhuli kong nilalawayan nila ang
sariling labi. Bakit kasi ayaw na lang iyong akin ang lawayan nila. Minsan
nahihiya ako dahil mas makintab, mapula at masarap tingnan ang labi ko kaysa sa
kanila. Pero ano nga bang magagawa ko? Dahil sa pakikipagtaguan ko noon kung
saan inakala kong may Bluetooth ang balat ng kaibigan ko at kung saan nanuno
ako hanggang sa ngayon, iyon lang ang nakikita kong lunas. Maglaway na lang
sila sa inggit. Bakit gusto niyo manuno rin kayo? Punta kayo sa amin. Dali.
Iyong iba diyan aabangan na naman ang pagpasok ko bukas. Malamang pagsasawaan
na naman nila akong titigan. Mga ate huwag po. Tama na po.
Ang
Katapusan…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento