Wednesday, May 12, 2010

Ang Huling Paalam

Minsa’y nalulungkot, minsa’y nagsasaya


Sa bawat sandaling aking naaalala

Parang kailan lang klase’y nag-umpisa

Ngayon ay tapos na maiiwan ang barkada



Mga ngiti’t tawana’y di malilimutan

Mga iyaka’t harutan sadyang nasa isipan

Paghingi ng papel na nagkakadamutan

Ang pagtatakip ng ilong tuwing may ututan



Minsa’y nagkakapaltukan ng mga basahan

Na sinasabayan ng mga tugtugan

Kapag prinsipal ay nararamdaman

Kay bilis ng ating mga takbuhan



Kayhirap bigkasin ng katagang paalam

Lalo na’t pinatutungkulan ating pagkakaibigan

Sa apat na taong ating pinagsamahan

Kayo’y di malilimot magpakailanman
Post a Comment