Miyerkules, Setyembre 21, 2011

Gantimpala


Noong una kang masilayan sa may bangketa,
Ako ay nanabik at napuno ng ligaya,
Ibang-iba ka sa mga laruang nakolekta,
Dahil sa aking kalungkutan ikaw ang nagpasigla.

Simpleng laruan pagdating sa iba,
Ngunit sa akin ika’y kayganda,
Mababa man ang iyong halaga,
Ibinili ko sa iyo’y galing pa sa alkansya.

Lumipas ang panahon at ikaw ay naluma,
Kasabay nito ay ang aking pagtanda,
Kasiyahang taglay unti-unting nawala,
Marahil ako’y hindi na nga bata.

Mga musmos sa lansangan tila di pinagpala,
Salapi o karangyaan pinagkakait ng tadhana,
Kaya ikaw laruan ay magiging gantimpala,
Sa mabait na bata na bago mong tagapag-alaga.

Ito ay ang  tula na aking lahok sa Saranggola blog awards 3.




Walang komento: