“Love at first sight,” madalas kong naririnig pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Sa sarili kong depinisyon, ito ay yung minahal natin ang isang tao sa panlabas nitong anyo at hindi sa kabuuan. Ang pag-ibig ay isang pagmamahal kung saan buong pagkatao ang nagiging basehan. Pangit, may kapansanan, walang pera at kung anu-ano pa, lahat yun nababaliwala kapag naramdaman natin ang tinatawag na tunay na pag-ibig, “love is blind” wika nga.
“Naniniwala ka ba sa love at first sight?” karaniwang tanong na hindi ko mabigyan ng tamang kasagutan. Siguro kulang ako sa kaalaman pagdating dito pero ikaw, naniniwala ka ba?
Matatawag bang pag-ibig ang “love at first sight” gayong minahal lang natin sila sa panlabas nilang kaanyuan? O dapat itong tawaging paghanga? Kung paghanga nga ito, bakit tumitibok ang puso sa paraan na dapat itong tumibok kapag naramdaman na natin ang tunay na pagmamahal? Hindi kaya “puppy love” ang tawag doon? Pero sa tingin ko higit pa rin ito sa “love at first sight” kaya masasabi kong magkaiba ang dalawang bagay na ito.
Anu-ano ba ang iba’t ibang anyo ng pag-ibig? Paano mo malalaman kung iyon nga ay tunay at hindi isang pantasya lamang?
Homework: Do you believe in love at first sight?
-Magpapasa pa ba ako? Bahala na!
Survey: Do you believe in love at first sight?
-Undecided na lang.
Tol: Do you believe in love at first sight?
-‘tang na mo! Dota na lang tayo!
Tol: Takte, SF na lang...
-Nakalimutan ko, Farmville nga lang pala alam ko!
Ilan pa kaya ang magtatanong sa kin nito? Tulungan mo naman ako! Malay mo malunasan nito ang suliranin ng Pilipinas, ang pagtaas ng mga bilihin at gasolina at higit sa lahat baka mapagaling nito ang tagiyawat mo sa ilong.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento