Sabado, Enero 4, 2014

Mahal Kita Magpakailanman


Alas nuebe na ng gabi ngunit wala pa rin ang kasintahan ni Mauricio na si Lorna. Alas otso ang usapan nilang pagtatagpo para sa pagdiriwang ng kanilang ikapitong taon na anibersaryo bilang magkasintahan. Maya-maya ay nasilayan na ni Mauricio si Lorna ngunit agad niyang napansin na nanghihina at namumutla ito at nang kaniyang lapitan ay bigla na lamang nawalan ng malay. 

“Lorna, Lorna… Ano’ng nangyayari sa iyo? Gumising ka Lorna…” 

Agad dinala ni Mauricio ang kasintahan sa ospital. Doon niya nalaman na matagal na palang may malubhang sakit si Lorna na ni hindi man lang ipinaalam sa kaniya. 

“Hijo, salamat sa pagdala mo sa anak ko dito sa ospital. Pagpasensiyahan mo na lang siya kung hindi niya ipinaalam sa iyo ang kaniyang kalagayan. Ayaw niya na magbago ang turing mo sa kaniya. Ayaw niya na kaaawaan mo siya kaya minabuti niyang ilihim nang sa gayon ay maging normal ang lahat.” Naluluhang wika ng ama ni Lorna.

“Ganoon po ba? Naiintindihan ko na po. Kaya pala palagi siyang nawawala, palaging leyt at minsan hindi nakikipagtagpo sa akin. Yun pala may iniinda na siyang sakit pero hindi niya man lang sinabi sa akin. Mahal ko po siya kaya hindi ko na po kailangang tanungin pa ang mga nagawa niyang desisyon.

Pumasok si Mauricio sa kuwarto kung saan gising na si Lorna. Naupo siya sa tabi nito habang pinagmamasdan ang wala pa rin sa kondisyong kasintahan.

“Mau, ipagpaumanhin mo kung inilihim ko ito sa iyo.”

“Huwag ka ng magsalita. Naiintindihankita. Magpalakas ka na lang para sa akin.”

“Mahal na mahal kita, iyan ang palagi mong pakatatandaan. Matagal na ang sakit ko at wala na ring lunas. Mau, may taning na ang buhay ko. Ipangako mo sa akin na kapag nawala na ako ay hahanap ka ng iba na mamahalin mo na ng higit pa sa akin.”

“Mahal ko, huwag kang magsalita ng ganiyan. Huwag mo akong iwan.” Wika ni Mauricio habang hawak-hawak angkamay ni Lorna kung saan di na nito napigilang lumuha kasabay ng pagpikit ng mga mata ni Lorna.

Dumaan si Lorna sa iba’t-ibang operasyon habang si Mauricio ay araw-araw na dumadalaw sa ospital. Pagkalipas ng tatlong buwan ay nakaratay na lamang si Lorna at tanging ang makina na lamang ang bumubuhay sa kaniya. Araw-araw ay nakikita ni Mauricio ang hirap na dinaranas ng kasintahan. Mas nasasaktan siya, mas nahihirapan at kahit pagod na siyang umiyak ay pilit pa rin itong nagiging matatag at paulit-ulit na nagdarasal. Hanggang sa dumating ang punto na kinausap na ni Mauricio ang mga magulang ni Lorna para matapos na ang paghihirap ng kasintahan. Sumang-ayon ang lahat kaya naman nang magkaroon ng tamang oras ay nahiga si Mauricio sa tabi ni Lorna. Niyakap niya si Lorna at hinalikan sa pisngi. Habang umiiyak ay nangangatal nitong pinatay ang makina na bumubuhay sa kasintahan. Habang nalalagutan ng hininga si Lorna ay agad namang kinuha ni Mauricio ang baril sa kaniyang tagiliran at saka ipinutok sa kaniyang ulo. Namatay sila na magkahawak ang kamay kasabay ng umaagos na dugo. 

Walang komento: