Sabado, Enero 4, 2014

Edukasyong Pangkalibugan

Maraming tanong ang mga kabataan na madalas ay hindi nahahanapan ng kasagutan. Mga tanong na tila nakakahiyang itanong dahil sa sensitibong paksa ng usapin. Mga tanong na nagmumukhang bastos o masagwa sa isip ng mga mambabasa sapagkat hindi lahat ay bukas ang isip sa ganitong mga bagay. Walang masamang magtanong ngunit nakakailang o nakakahiya dahil ang mga ito ay hindi nabigyan ng pagkakataong matalakay sa loob ng paaralan. Mga tanong na siguradong nasagi na rin sa isip ng isang indibidwal mapapabae man o mapalalaki. Tulad na lang ng:

Bakit kailangang lumundag sa hagdan kapag nireregla?

Totoo ba na hindi raw magkakatagiyawat kapag ipinanghilamos ang pinagbabaran ng panti na may regla?

Paano nalilibugan ang mga babae? Tumitigas din kaya ang ari nila o nanonood din kaya sila ng bold movies?

Narito ang ilan sa mga katanungan na nasagot ng aking mga kaibigan.

1. Totoo ba na safe ang sex before and after menstruation?

Usually oo, pero depende yan sa cycle ng babae. Pinakamabuti na magsigurado at gumamit ng condom o ibang form ng contraceptive device bago makipagtalik. Para maiwasan ang sakit na maaring makuha sa sex, importante rin na monogamous kayo ng partner mo and/or gumamit ng condom.

Trust!

Minsan condom, minsan tiwala na lang!


2. Paano ninyo nalalaman sa isang tingin kung virgin pa o hindi na ang isang babae?

Hindi mo malalaman sa isang tingin kung virgin pa ang babae. Kahit wala ng hymen ang ari ng babae, pwedeng birhen parin ito (and so what kung di na virgin?)

Sa tuwing naririnig ko ang ganitong usapin, hindi ako nakikinig o wala lang talaga ang interes ko sa paksang ito. Wala akong pakialam kung anu-ano ang mga paraan kung paano nila nalalaman sa tingin kung birhen pa o hindi na ang isang babae. Para sa akin, buhay nila iyon kaya kung saan sila masaya suportado ko sila at parte rin ng buhay ang pakikipagtalik. Isa pa, hindi ko sila huhusgahan o pag-iisipan ng masama dahil tumitingin ako o nakikisalamuha base sa kung paano sila nakikisalamauha sa akin.

3. Bakit hindi nabubuntis ang babae kahit na nakikipagtalik ito?

Hindi nabubuntis ang babae kahit nakikipagtalik dahil sa iba't-ibang rason. Pwedeng hindi siya nag-oovulate o walang itlog na mafefertilize ang sperm ng lalake. Pwedeng nagkocontraceptive sya. O pwedeng sterile o hindi talaga siya pwede manganak.

4. Ano ang withdrawal?

Ang withdrawal ay ang paghugot ng ari ng lalake mula sa ari ng babae pag mag-oorgasmo na ang lalaki. Sa pamamagitan nito, walang tamod ang matitira sa loob ng ari ng babae at hindi mabubuntis ang babae. Ang problema sa method na ito ay (1) nakakabitin sa babae, (2) mataas ang failure rate at (3) minsan, hindi marunong ang lalake.

5. Gaano kahalaga ang virginity?

Sa panahon ngayon marami pa rin sa mga kalalakihan ang pinahahalagahan ang virginity ng mga babae. Sa lalaki, walang mawawala. Minsan nga ipinagmamalaki pa pero pagdating sa mga kababaihan masyadong mabigat at sensitibo ang ganitong usapin. Ang hindi alam ng mga kababaihan dumarating din ang punto na nagiging paksa ang usaping ito lalo na kapag nagkakakuwentuhan ang mga kalalakihan kasabay ng inuman. Napag-uusapan kung sino ang nauna sa isang babae o kung sino ang unang nagpadugo. Sa parte ng babae, wala silang kamay-malay na nagiging madumi o mas kaakit-akit na ang tingin sa kanila. Iyong tipong mapadaan ka lang ay mapag-iisipan ka na ng kalaswaan o kababuyan. Iyan ang dahilan kung bakit gusto ng mga kalalakihan na birhen pa ang mapapangasawa. Nakakapanggalit minsan kung alam mo na kilala mo iyong taong nakauna sa kinakasama mo. Minsan bigla na lamang itong nasisingit kung nagkakaroon ng away ang mag-asawa. Kaya kahit uso na ang pre-marital sex, may ilan pa rin na hindi nakikisabay. 

Ang tunay na lalaki marunong maghintay!




Walang komento: