One of the proper etiquettes if you're leaving a job is to be nice with the people around you. Cherish the moment. Enjoyin mo lang ang mga natitirang araw na makakasama mo ang mga taong naging kaibigan mo na. Mga tao na karamay mo sa bawat hirap at saya. Nandyan sa bawat pagpatak ng luha mo sa bawat lungkot (hiwalayan, kamatayan at pagkabigo sa ibang bagay) at masasayang yugto ng buhay (kaarawan, binyag, kasal, anniversary, promotion at kung anu-ano pa). Kachismisan sa tuwing may trending na balita kahit sa ibang departamento pa. Kaplastikan sa tuwing nasa harap ng boss. Kasabay kumain, kasama sa bawat tagay, higit sa lahat, kasama sa pangarap na binubuo.
But if you're leaving a job dahil galit ka sa mga boss mo o galit ka sa kumpanya, sige, magalit ka sa kanila. Pero huwag na huwag kang magagalit sa mga kasamahan mo. Kahit na ang bigat-bigat na ng loob mo dahil sa stress at pressure, huwag na huwag mong ipapasa o isusumbat sa mga kasamahan ang galit na nararamdaman mo para sa boss at sa kumpanya. Hindi ka nakakatulong. Toxic na ang trabaho kaya huwag ka ng dumagdag sa pagiging toxic ng environment. Live your life. Marami rin silang problema. Nakakaranas din sila ng stress at baka mas sobra pa. Kung kailangan mo na talagang umalis, be it. Maging malaya ka pero palayain mo ang sarili sa pamamagitan ng pag-iwan ng masayang alaala sa mga kasamahan mo. Huwag mong hayaan na may isang hindi magandang imahe na tumatak sa kanila bago ang paglisan mo. Tandaan mo, ang mga taong sinusumbatan mo ng galit na hindi para sa kanila ay ang mga taong humubog, humila sa iyo paakyat at tumulong na ibangon ang sarili mo sa pagkakadapa.
2020 is not about being pabebe. It is about time to have maturity. Be matured enough lalo na sa pakikisama sa mabubuting tao sa paligid. Palagi mong tatandaan na kahit pakitaan mo sila ng hindi maganda, mamahalin at mamahalin ka pa rin nila. Dahil once a beshy, always a beshy.
God bless.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento