Martes, Oktubre 23, 2018

R E S P E C T

An open letter to someone who dumped a simple beautiful young lady.

Yes, my girl was your girl. Then who the hell cares? Happy? By that smile, I can't imagine the happiness you're feeling now. Pakiramdam mo siguro, ikaw ang most valuable player habang ako ang waterboy. Ikaw si Peter Pan habang ako ang shadow. Fine. But who's lost and who's happy now? Lemme tell ya this. 

Kahit kailan hindi nakakaragdag ng pagkalalaki ang pagkukuwento lalo na sa gitna ng inuman kung paano mo binaboy ang isang babae. Ano naman kung ikaw ang nakauna? Hindi mo kailangang ipagmalaki na natikman mo ang kabuuan niya lalo na kung paano mo pinagsamantalahan ang kahinaan niya. Hindi siya  mahina. Nagtiwala lang siya. Nagmahal. Kumapit bago mo iwan sa ere nang nakuha mo na ang gusto mo sa kaniya. Masaya ka sa natatamo mong papuri sa mga tropang over supportive sa mga panlokoko mo? Masaya ka sa natatamasan mong malakas na palakpakan at sa pakiramdam na ikaw ang pinakamalakas, pinakamatulis at pinakamatibay sa inuman? Bro, I've had sex with someone pero never kong kwinento. (Just kidding, I'm still a virgin.) Hindi mo kailangang gamitin ang karanasan na iyan para lang may maiyabang ka sa mga tropa mo.  Grow up dude. Hindi laruan ang babae. Show and give them what they really deserved. 

Hindi rin nakakaragdag ng pogi points kung ilang babae na ba ang dumaan sa iyo, pinaasa at kung ilan na ang iniwan mo. Maraming dumaan pero nakatagpo ka ba ng tunay na pagmamahal? Natagpuan ka nila pero nilaruan mo lang sila. Minsan sinabi mo that you don't deserve those girls. But bro, to be honest, they are lucky enough that you dumped them. No one deserves a guy like you. A guy who doesn't know how to show respect and how to treat a girl not as a princess but as a loving queen of your life. Marami nang nagtangka na baguhin ka ngunit nabigo. Concern kami sa iyo. Pero nakakasawa. Magbabago ka ngunit babalik sa dati. Wala na kaming magagawa. Ikaw lang ang makakapagpabago sa sarili mo. Hindi rason ang dahilan mo na kapag nabago ka, hindi na ikaw ang dating ikaw. You're such an asshole bro.  Hindi mo kailangang magbago kung tolerable pa naman ang pag-uugali mo. Pero hindi. Kailangan mo na yatang magpacheck-up. Sa totoo lang, habang hinahangaan ng mga tropa mo kung gaano ka kagaling sa panloloko ng mga babae, ako, awang-awa na ako sa iyo. I just can't imagine na sa paglipas ng panahon, you're still immature and insensitive. Hindi ka man lang nabago ng mga pinagdaanan mo sa buhay. Hindi natuto sa bawat pagkakamali. Nakakaawa ka bro. I'm not mad neither angry. I just want you realize lahat ng mga ginawa at ginagawa mo. Mahaba pa ang panahon, marami ka pang pagkakataon na magbago. At the end of the day, nandito pa rin kaming mga kaibigan mo na handang sumalubong sa iyo. Hopefully, that day, may handa nang magmahal sa iyo. Kasi sa ngayon, deserved mo maiwan, madurog at daan-daanan lang ng mga babaeng minsang inakala mong laruan lang at walang kwenta. Guess what? Nakatagpo na sila ng mga kabiyak sa puso na mas karapat-dapat sa kanila. Salamat bro. Ikaw ang naging daan para mahanap nila ang tunay na kaligayahan. Habang ikaw, patuloy pa ring naghahanap. Nang mamahalin o nang maloloko na maipagyayabang sa susunod na inuman session? Good luck bro.

Sincerely,
Don't be deffensive bro. It's not you, it's just a blog.

P. S.
Pakitama ng english grammar ko katulad ng pagtama ko sa mga mali na pinakita at pinaramdam mo noon sa kaniya.

Walang komento: