How can you be so cruel sa kaibigang nandiyan palagi para sa iyo? How can you be so naive na hindi mapansin lahat ng panunuyo niya sa iyo? Of all the people, ibinigay siya sa iyo at pinili ka niyang maging bahagi ng buhay at mundo niya. Then you're acting like a spoiled brat na punung-puno ng attitude sa bawat parte ng katawan at pagkatao mo.
Bakit? Anong ipinaglalaban mo? Anong pinanghuhugutan mo? Linawin mo nga, saan ba nagmumula ang palaging pagbabago ng timpla mo?
Career?
Sige. Let me tell you this. Bilang tunay na kaibigan, hinding-hindi mo ikukumpara ang sarili mo sa kaniya o kahit na sa sinong tao. Ano naman kung mas successful siya sa iyo? Ano naman kung nakapundar na siya ng bahay, lupa at kung anu-ano pa. Ano naman kung happily married na siya with little cute kids? Ano naman bes?
Walang edad ang pagkamit ng tagumpay. Hindi tayo nakikipagkarerahan sa buhay. Enjoy mo lang ang bawat hakbang o proseso na pinagdaraanan mo. Kasi kung iisipin mo ang lahat ng ito lalo na kung paano mo ito makakamit ng madalian, hala ka, baka ma-stress ka lang sa buong linggo. Dapat mong matutunan ang salitang pagkukento. Makuntento ka sa kung ano ang meron ka sa ngayon dahil lahat ng meron ka ngayon ay ang kaloob ng nasa itaas para sa panahong ito. Makuntento ka pero hindi ibig sabihin na titigil ka nang mangarap at magsumikap. Nasa sarili mo pa rin ang susi para makamit mo ang tagumpay na inaasam. Chill lang.
Pag-ibig?
Walang pinipiling edad ang pag-ibig. Lumagay ka sa tahimik kung kaya mo nang suportahan ang sarili mo at ang magiging pamilya ko. Syempre, kung sigurado ka na siya na talaga ang tamang tao na ihaharap mo altar. Ang hirap bumuhay ng pamilya sa panahon ngayon. Hindi basta-basta na kung gugustuhin mong magkaanak ay dapat ka nang magkaanak. Ilagay mo ang isip mo sa tama at palagi mong isipin na anong buhay ang mararanasan ng mga magiging anak mo kapag isinilang mo na sila nang hindi naaayon sa mga plano.
May pera ka na bang nakalaan para sa kasal? May pera ka na bang nakatabi para sa tuluy-tuloy na gastos lalo na kapag nagkaroon ka na ng anak? Kung wala pa, huwag mo munang isipin ang pagpapamilya. Isipin mo muna ang ngayon. Kung paano ka magiging handa sa hinaharap. Kung paano mo bubuhayin ang magiging pamilya mo. Isipin mo ngayon kung paano mo mapapalago at mapaghuhusay ang sarili para maging isang ganap na lalaki, asawa at ama sa hinaharap.
Sarili?
Bilang kaibigan, may karapatan sila na malaman ang pinagdadaanan mo. May karapatan ka rin na huwag kimkimin ang lahat ng poot, galit, inggit, tampo o anumang pinagdadaanan mo. Pagtiwalaan mo si bes. Kaya nga siya nandyan ay para umunawa at gumabay sa iyo. Siya ang tutulong para maibsan ang nararamdaman mo. Para gumaan ang matagal nang dinadala ng dibdib mo. Para ipaalala sa iyo na sa bawat problema ay may kaibigan kang masasandalan. Hindi ka nag-iisa. Magsalita ka. Magkwento. Huwag matakot. Huwag mahiya. Dahil kung meron mang makakaintindi sa iyo bukod sa pamilya mo, iyon ay ang mga tunay mong kaibigan na palaging nandyan para sa iyo. Mga kaibigang nagtitiwala at nagmamahal sa iyo. Kaya huwag mong ilayo ang sarili mo. Yakapin mo ang katotohanan, maging responsable at higit sa lahat, maging matapang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento