Linggo, Pebrero 24, 2019

Siguro Kaya Tayo Iniiwan ng Taong Mahal Natin


Bakit ka iniwan? 
Bakit ako ipinagpalit? 
Bakit tayo niloko?

Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit.

1. Libog.
2. Pag-ibig.

1. May mga tao na nangangaliwa hindi dahil sa gusto kang ipagpalit kundi dahil gusto niya lang tumikim ng ibang putahe. Mangangaliwa siya, titikim ng ibang ulam pero sa huli, ikaw pa rin ang gustong uwian. Bakit kailangan pa ng ibang putahe? Baka naman kasi nakukulangan siya sa iyo. Baka may mga gusto siya na gawin niyo habang nagtatalik pero parehas kayong nahihiyang magsabi o tinatanggihan mo ang mga gusto niyang mangyari. Sabi nga ng iba, kung ayaw mong maiwanan, isubo mo! Kung ayaw mong mawalan siya ng gana sa iyo, ipakain mo! Kung gusto niya na may foreplay muna, sakyan mo ang trip niya! Kung pagbihisin ka niya ng kung anu-anong kasuutan, kung pagamitin ka niya ng kung anu-anong kagamitan, o kung gusto niya na nilalatigo siya, sige sakyan mo. Kung gusto niyang makipagtalik habang nanonood ng malalaswang palabas, kung gusto niya na lagyan ng honey ang buong katawan mo sabay didilaan mula ulo hanggang paa, kung gusto niyang libutin ang bawat sulok ng bahay para magtanim ng masasarap na alaala, sige subukan niyo. Dahil ito ang kailangan niya para masatisfy. Ito ang hinahanap ng katawan niya na hindi niya mahanap sa taong mahal niya, sa iyo.

Mali ang mangaliwa lalo na ang makipagtalik sa iba habang may kasalukuyang karelasyon. Bago pa man humantong sa ganito, mag-usap kayo. Sabihin niyo sa isa't-isa ang gusto niyo, kung paano niyo masasakyan ang trip ng bawat isa, kung anu-ano ang mga hangganan niyo. Kung ano ang pwede at bawal. Kung kailan, gaano kadalas at saan. Napag-uusapan iyan. Kaya pag-usapan niyo na bago pa siya kumembular sa iba.

2. Madalas nating naririnig na hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga ang una. Oo, tama. Pero paano nangyari? Simple lang. Haliparot ka! Nang kinausap ka niya, noong nakatanggap ka ng text o chat mula sa kaniya, nagpasakop ka. Binuksan mo ang pinto para magkaroon kayo ng ugnayan sa isa't-isa. Pinili mo na magkaroon kayo ng komunikasyon sa simpleng reply sa bawat mensahe niya. Nang dumating ang panahon na may iba nang kahulugan ang palitan ng mensahe, nagpalandi ka. So anong nangyari? Palagi kayong magkausap, may mga palihim kayong pagtatagpo hanggang sa tuluyan ka nang mahulog sa kaniya. Oo, nahulog ka na. The damage has been done. Nahulog ka sa iba habang may karelasyon ka sa kasalukuyan.

Pero bakit ka mahuhulog sa iba gayong may minamahal ka pa? Maaaring nahigitan niya ang
pagmamahal nang una. Mas masaya siyang kasama, mas napapangiti ka niya, mas naibibigay niya ang saya na matagal mo nang hindi nararamdaman sa una. Maaaring naghanap ka ng iba dahil nakulangan ka na sa una.

Ikaw naman, nagkulang ka nga ba sa kaniya o sadyang malandi lang siya? Kung tunay at buo ang pagmamahal niya sa iyo, kahit sino pa ang dumating, kahit anong tukso pa ang humamon sa kaniya, hinding-hindi ka niya iiwan. Dahil mahal ka niya at mahal mo siya. Pero iniwan ka pa rin, ipinagpalit, higit sa lahat niloko. Ibig sabihin maaaring may problema kayo sa isa't-isa. Hindi niyo sinasabi pero nararamdaman. Dahil okay naman kayo sa bawat araw. Walang away. Walang problema. Lumilipas ang maraming araw na ayos kayo. Pero para pala sa kaniya ay may kulang. Oo, maaaring nagkukulang ka. Isipin mo munang mabuti kung bakit. Pinaparamdam mo pa ba sa kaniya na mahal mo siya, na gusto mo siyang makita at kinikilig ka pa rin sa kaniya? Kailan kayo huling nag-date? Kailan ang huling sabihan ng 'I love you bebe ko?' May pagkakataon ba na nanlamig ka? Sinasabihan mo ba siya ng maganda o guwapo kahit hindi bagay ang suot niya o kahit mukha siyang pagud na pagod? Uulitin ko, napag-uusapan iyan. Sayang ang relasyon. Sayang ang ilang buwan o taon na pagsasama. Mag-usap kayo para mas mapatatag ang pagmamahalan niyo sa isa't-isa. Kung hindi na talaga kaya, pag-isipan niyong mabuti bago kayo maghiwalay. Siguraduhin niyo na buo ang desisyon at loob niyo.

PS.

Sa huli, palaging may iiyak. Palaging may talunan. Asahan mo iyan kung papasok ka sa pag-ibig. Minsan kailangan mong masaktan at makasakit para mas tumibay ang relasyon o para magkaroon ng daan para mahanap mo ang taong mas magmamahal sa iyo at tatanggapin ka ng buo.

Walang komento: