Martes, Enero 29, 2019

Kapag Binaligtad Ang Mundo


Kapag binaligtad ko ba ang mundo, babaligtad din ba ang nararamdaman ng puso?

Kung saan ang mga salitang mahal kita ay mapapalitan kaya ng mahal mo ako?

Ang bawat bulong ng pag-ibig sa hangin patungo sa minamahal mo, bawiin kaya ng hangin nang tumungo naman sa akin?

Ang bawat sakit na idinulot ng pagkabigo, mapalitan kaya ng tamis sa bawat gabing ikaw ang nasa isip?

Ang bawat mapag-isang gabing malungkot at puno ng luhang bumabaha sa unan at kumot,   mapalitan kaya ng liwanag na may dalang maganda at masayang kinabukasan kapiling ka?

Kapag binaligtad ko ba ang mundo, mababawi ng tadhana ang pagsagot mo ng oo sa kaniya kahit na ang kabaligtaran ng salitang ito ay hindi "hindi" kundi "oo."







Walang komento: