Lunes, Enero 29, 2018

Mt. Tapulao

Marami-rami na rin akong naakyat pero ito na yata ang pinakamatagal, pinakamahaba at pinakanakakapagod naming pamumundok. 18 km paakyat ng bundok. 18 km ulit pababa. Patatagan ng masel. Patibayan ng tuhod.
Alas sais ng umaga nang magsimula kaming umakyat. Maganda naman ang panahon. Mabuti at hindi umulan dahil siguradong magiging maputik sa simula pa lang.









Unang tindahan sa pagitan ng ikalima at ikaanim na kilometro. May mabibiling kape at itlog.

May makukuhana ng tubig sa ikalimang kilometro. Malinis at malamig.

Sobrang mayaman sa mga bato ang bundok na ito. Kailangan ng matibay na sapatos. 

May makukuhanan ulit ng tubig sa ikasampung kilometro.

Camp 1

Piktyur muna bago kumain.











Tanawin sa summit.







Itinerary:

11:40 PM - 5:20 AM Biyahe to Zambales
5:20 AM - 6:00 AM Registration and breakfast
6:00 AM - 2:00 PM Camp 1 Summit
2:00 PM - 2:30 PM Lunch
2:30 PM - 4:00 PM Summit
4:00 PM - 4:30 PM Picture taking
4:30 PM - 11:00 PM Back to where we started.






Walang komento: