Alam mo ba 'yung feeling nang ma-inlove?
Alam mo ba 'yung feeling nang masaktan?
Love is all about taking chances.
Kapag mahal mo ang isang tao, sabihin mo.
Kung hindi ka niya mahal, walang kaso, walang magbabago.
Pero paano kung ma-inlove ka sa hindi inaasahang pagkakataon ngunit sa simula pa lang ay nasasaktan ka na?
Pipiliin mo bang magpatuloy o magpapakuha ka na lang sa alien para maiwan at mawala ang lahat ng sakit na nadarama mo?
Hindi ako sinaktan ng pelikulang ito. Sa halip, binigyan ako ng lakas ng loob na magtapat ng nararamdaman sa taong mahal ko. Ipinaramdam sa akin kung paano ang ma-inlove at kung gaano kahalaga ang oras. Ipinaranas ang pakiramdam ng nasasaktan. Itinanim sa isip na pagdating sa pag-ibig, walang imposible.
"Minsan, kailangan mo lang maniwala."
'Yan ang reaksyon ko sa pelikulang "Love You to the Stars and Back" na pinagbidahan ni Joshua Garcia at Julia Barretto. Nakapukaw din ang aking pansin ang nakakabighaning isang malaking bato na inakyat ng mga bida, ang Nagpatong Rock. Matapos mapanood ang pelikula, nagsaliksik ako tungkol sa bundok at kung saan ito matatagpuan. Ang pelikula ang dahilan kung bakit napagdesisyunan naming umakyat sa Tanay, Rizal. Aakyat kami para magpakuha rin sa mga alien habang binibigkas ang chant na "Ashira grevinda mama ajaarum."
Umalis kami mula sa SM Megamall sa ganap na alas tres ng umaga pero alas onse pa lang ng gabi ay nandoon na ako sa tagpuan. Baka kasi wala akong masakyan mula Alabang kaya inagahan ko na. Pero napag-alaman kong bente-kwatro oras pala ang biyahe mula Alabang. Sana natulog na lang muna ako sa bahay. Partida pa iyan na kagagaling ko lang sa trabaho. Walang tulugan! Bahala na! Tiwala at dasal lang na huwag hingalin.
Mabilis ang naging byahe. Dumating kami sa venue ng alas kwatro na yata ng umaga. Nagregister at naghanap ng tour guide. Tatlo ang ibinigay sa amin dahil halos nasa labing anim kami. Malamig ang umaga lalo na't biglang umambon. Ibig sabihin magiging maulan ang aming paglalakbay. Kumain muna kami ng baon naming almusal para hindi gutumin sa pag-akyat. Nagpalit ng mga pambihis at nagdasal para sa ligtas at masayang pag-akyat.
Pose muna habang hindi pa pagod at hindi pa putikan. |
Maraming malalaking bato habang inaakyat ang tuktok ng Mt. Masungki. Mag-ingat lalo na kapag umuulan. Madulas at siguradong masakit bumagsak sa mga matatalas na bato. |
Teamwork! Cooperation! Friendship! Kailangan sa pag-akyat. Ikaw din, baka mahulog ka tapos walang sumalo sa iyo. Mashekeeet! |
May mga matatarik na bato na kailangang akyatin. Kapit lang mga beshy! |
Mahabang lakaran at akyatan bago kami nakarating sa tuktok. Dama mo agad ang pagod. Umaambon pa rin. Napalitan ng hamog ang sea of clouds. |
Selfie muna sa tatlong mababait na tour guide. Sila ang photographer mamaya kapag nasa Nagpatong Rock na kami. |
Mga tunay na kaibigan. |
Yun oh! Nagpakita na ang mga ulap. Ingat sa pagpapalitrato. Nakakakaba, nakakapanghina ng tuhod lalo na ang pagtayo sa malaking bato. |
Isa-isa lang muna sa pagpapakuha ng litrato. Mas mabuti ang ligtas. Walang unahan. Lahat makakapagselfie. Handa naman silang maghintay. |
Pagdating namin sa kubo na pahingahan, marami ang ayaw nang sumama sa Nagpatong Rock. Naging mahaba talaga ang lakaran samahan pa ng malakas na ulan na lalong nagpaputik at nagpadulas sa aming mga dinaraanan. Dama na talaga namin ang pagod. Pero sayang naman kung hindi itutuloy ang laban. Nandoon na kami kaya dapat laban lang! Walang susuko! Nakumbinsi naman namin ang lahat na magpatuloy. Pero kung ayaw at hindi na talaga kaya, huwag niyo nang pilitin.
Unang hakbang sa pag-akyat patungong Nagpatong Rock. |
Si Kuya at si Lord na ang bahala sa akin. Napadasal talaga ako ng ilang ulit lalo kapag tumitingin sa baba. Pero naisip ko, kung kinaya ni Julia Barretto dapat kayanin ko rin. Para sa iyo ito, Julia. Power! |
Sa wakas nakarating at nakatapak din sa tuktok! Ang sarap sa pakiramdam. Ang ganda ng tanawin! May mga ulap pa rin at nagliliparang mga ibon. 'Yung flag na dilaw nandyan na talaga iyan sa tuktok. Kani-kaniyang pose na lang. |
Paano kami nagpalitrato?
Una, kailangan magtago sa bato ng mga kasama mo sa pag-akyat para masolo mo ang buong lugar at walang photobomber.
Karamihan sa mga kuha namin ay may mga nakalitaw na ulo kaya naman dinamihan na lang ni manong tour guide ang shots para makuha ang pinakamagandang anggulo at walang ekstrang mga tao. Pakiusapan mo na lang ang mga kasama mo na magtagong maigi.
Karamihan sa mga kuha namin ay may mga nakalitaw na ulo kaya naman dinamihan na lang ni manong tour guide ang shots para makuha ang pinakamagandang anggulo at walang ekstrang mga tao. Pakiusapan mo na lang ang mga kasama mo na magtagong maigi.
Pangalawa, aakyat si manong tour guide sa isang malaking bato na katapat ng Nagpatong Rock. Siya ang magsisilbing photographer ng lahat. Siguraduhin lang na maganda ang camera o selpon na ibibigay kay manong para sulit ang bawat larawang makukuha. Siguraduhin ding may sapat na karga ang baterya. Share it na lang pagkatapos.
Pagkatapos makapagpalitrato, pahirapan ulit sa pagbaba. Kailangan ulit mag-ingat. Kung gaano kahirap ang pag-akyat ay ganun din sa pagbaba. Magtiwala na lang kay manong at magdasal. Ligtas naman kaming nakakababa lahat.
May mga kasamahan din kami na piniling hindi na umakyat sa Nagpatong Rock dahil sa pagod. Naghintay na lamang sila sa kubo para kumain at magpahinga. May nagtitinda ng mga pagkain at chichiria sa kubo. May cup noodles pa. Pinakamabenta ang kape. Naubusan nga ako.
Matapos magpahinga ng kaunti, nag-ayos na kami para muling maglakad pababa. May falls pa kami na dapat puntahan. Sabi ni manong, ang daan patungong falls ay mula sa lugar kung saan kami nagregister. Tatlumpung minuto bago makarating sa falls. Pero wala na talaga kaming lakas kaya hindi na namin pinuntahan ang falls. Nakakapanghinayang pero lahat kami ay kama na ang hanap. Haha.
May mga bahay na pwedeng pagliguan sa baba. May bayad na P20. May mga tindahan ulit at tyempong may nagtitinda pa ng balot.
Mga dapat dalhin:
Dalawa o tatlong litro ng tubig.
Pagkain para sa umagahan, tanghalian at meryenda.
Huwag kalimutang magbaon ng jelly ace at tsokolate.
Powerbank
Cellphone
Camera
Flashlight
Payong (may ubo at sipon kasi ako pero hindi na ramdam ang ulan pagpasok sa bundok dahil nasasalo na ng mga dahon ng puno.)
Garbage bag na paglalagyan ng mga basura. Bawal magkalat sa bundok.
Damit na pamalit, short o pantalon, underwear, medyas kung nakasapatos at tuwalya o bimpo na pangtuyo sa katawan.
Suot ko:
Sapatos na handang maputikan.
Dalawang itim na mahahabang medyas.
Short.
Rash guard.
Sumbrero.
Bag na pamundok.
Itinerary:
1:00 AM Nakaalis sila mula sa DasmariƱas, Cavite habang ako ay nauna na sa SM Megamall. 11 PM pa lang ay nandoon na ako.
3:00 AM Nakarating sila sa Megamall. Imagine apat na oras akong naghintay. Haha.
4:00 AM Nakarating kami sa Barangay Cuyambay para magparegister at kumuha ng tour guide.
5:00 AM Nagsimula na kaming umakyat sa Mt. Masungki.
Hindi ko na namalayan ang oras pero parang
7:00~8:00 AM nang marating namin ang tuktok.
10:00 AM ~ 11:00 AM Nasa Nagpatong Rock na kami.
3:00 AM Nakababa na kami.
Maraming salamat sa panibagong karanasan. Maraming salamat sa Diyos para sa ligtas na paglalakbay. Syempre, maraming salamat sa mga kasamahan sa bundok maging sa mga tour guide. May mga bago na naman tayong mga kaibigan at mga karanasan at alaala na pagsasaluhan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento