“Sa
ulo ng mga nagbabagang balita, isang malakas na bagyo ang patuloy na namiminsala.”
Wika ng reporter sa telebisyon.
“Kaaanunsyo
lamang po na signal number 1 na sa Cavite.” Dagdag niya.
“Nay…
Wala na kaming pasok sabi sa telebisyon.” Sigaw ng kapatid kong tamad pumasok.
“Breaking
News: Signal number 2 na po sa Cavite.”
“Oha!
Wala na rin kaming pasok. Akala mo ikaw lang ha.” Pagmamayabang ng isa ko pang
kapatid.
Kapag bumabagyo ay nagiging abala
ang lahat para sapakikinig ng iba’t-ibang balita na may kinalaman sa
mapaminsalang bagyo. Sabi nila na kapag signal number 1 ay wala raw pasok mula
Kinder hanggang elementarya. Kapag naman signal number 2 ay mawawalan na rin ng
pasok sa hayskul. Ang nakakalungkot nito ay kinakailangan pa naming hintayinna
magsignal number 3 ang bagyo nang sa gayon ay mawalan din ng pasok kaming mga
nasa kolehiyo. May posibilidad daw na ikansela ang klase kung magdedesisyon ang
namumuno sa isang bayan o iyong mismong presidente ng pinapasukan namin. Hindi
ko naman magawa na hilingin na tumaas pa ang signal level ng bagyo dahil parang
humiling na rin ako ng masama kapag
ganoon. Kung hihilinginkong lumakas ang bagyo ay para ko na ring hiniling na
marami pang buhay ang mawala at marami pang bahay ang maanod ng baha. Wala na
ring humpay sa pagteteks ang mga kaklase ko. Tanung sila ng tanung kung may
pasok o wala. Tinatanong din nila kung papasok ako pero kapag naman sinabi kong
oo ay nadidismaya sila dahil gusto nila na huwag na lang pumasok ang lahat. Ang
tunay na estudyante ay hindi na nagtatanong, sa halip ay may sariling desisyon
at pagkukusa.
Minsan pamali-mali rin ang mga
lumalabas na balita. Sasabihin na malakas ang ulan sa isang lugar gayong tirik
na tirik ang araw. Minsan naman, kapag sinabing magiging maaraw ay bigla na
lamang umuulan.
“Bakit
kailangan pang magsignal number 3 para lang mawalan tayo ng pasok? That’s so
unfair.” Jiem ko sa mga kaklase ko. Minsan talaga sa mga ganoong panahon ay
tinatadtad ko sila ng teks dahil ang iba sa kanila ay nakakaranas na ng
brown-out.
“Bakit
brown-out ang tawag kapag nawawalan ng ilaw? Hindi ba pwedeng black-out?”
Pangalawa kong jiem.
“Huwag
mo muna akong iteks, malolobat ako.” Teks ng kaklase ko.
“Lol!
Hindi ilaw ang nawawala. Kuryente as in current! Sayang lang ang pinangti-tuition
mo e.”
“Oo
nga! Dapat black-out kasi nagiging black naman ang paligid kapag walang
kuryente. Maliban na lang kung maging brown.”
Marami sa amin ang nagrereklamo.
Pare-pareho rin naman kaming mga estudyante pero bakit nga ba parang hindi yata
patas. Nababasa rin naman kami ng ulan. Giniginaw.Nalulublob din sa baha ang
aming mga sapatos kung saan nababasa rin ang aming mga medyas. Nababasa ang
aming mga bag at ang laman nito. Nasasariklat ang aming mga payong hanggang sa
masira. Higit sa lahat ay hindi kami waterproof. Sa madaling salita ay nababasa
rin kami ng ulan. Kapag college student ba ligtas na sa mga kapahamakan? Estudyante
rin kami na nababasa’t nahihirapan. Sa dami ng tanong at kadramahan ko ay
nagawa ko pa ring pumasok.
Pagkatapos marinig sa balita na may
pasok pa kami ay agad akong naligo para hindi mahuli sa klase. Malamig ang
tubig pero para sa pag-aaral ay handa ko itong tiisin. Pagdating ko sa
paradahan ng mga sasakyan ay kakaunti ang pasahero. Baha raw sa tulay na
daraanan namin kaya naman mag-iiba ang ruta. Ibig sabihin ay magmamahal din ang
pamasahe. Nakikiramdam ako sa mga kasabay kong estudyante kung ipagpapatuloy
nila ang pagpasok. May iba na sumakay na kaya nakiuso na rin ako. Malakas pa
rin ang ulan. Mahaba-haba ang biyahe kung saan makikita sa mga dinaraanan namin
ang mga nagdaraanang tao na nasasabuyan ng tubig kapag dumaraan ang sasakyan.
Maraming mga puno ang nagsitumbahan.
“Uy,
klasmeyts! Dahil mahal na mahal ko kayo ay pipilitin ko pa ring pumasok. Sa mga
nagmamahal sa akin, huwag na kayong mag-alala. Tatawirin ko ang maraming
obstacles at mamamasahe ako ng wagas para makapasok pa rin ako.” Teks ko habang
nasa biyahe pa rin.
“Ah.
Bakit hanggang dito lang?” Tanong ko sa kapwa ko estudyante. Hindi na kami
inihatid ng drayber sa aming patutunguhan dahil baka maaksaya ang gasolina
niya. Wala na kaming nagawa kundi ang sumakay na lang sa traysikel papunta sa
aming paaralan.
“Magkano
po?” Nalulumbay kong tanong.
“Kinse
lang.” Sagot ng matakaw na drayber. Hindi niya kami binigyan ng diskwento kahit
sinabi naming mga estudyante kami.
Tinatahak ko na ang direksyon ng
aming paaralan. Maraming bata sa kalsada ang naliligo at nagtatampisaw kasabay
ng malakas na kulog at katakut-takot na kidlat. Napapansin ko na marami pa ring
masisipag na estudyante na tulad ko ang pumasok. Malamang para sa baon.
Maya-maya ay bigla na lamang akong napuno ng katanungan at pagtataka. Maraming
estudyante ang nakasalubong ko kung saan sinusuklian ako ng nakakainis na ngiti
at tingin. Natatawa yata sila dahil hindi ako nakajaket. Pwede rin namang dahil
nakasuot pa rin ako ng kompletong yuniporme habang nakasuot ng black shoes sa
gitna ng binabahang kalsada. Sa isang banda ay nasilayan ko na rin sa daan ang
aking mga kaklase.
“Hahaha…
Saan ka pupunta?” Nakakainis niyang tanong.
“Malamang
papasok. Alangan namang mangungubo.”
“Tingnan
niyo si De Qui, klasmeyts.” Sigaw ng isa ko pang kaklase na sinundan ng malakas
na tawanan.
“Bakit
ba?” Pagtataka ko.
“Wala
na kayang pasok!” Sagot ng kaklase ko. Para akong napagsakluban ng langit at
lupa pero inisip ko na binibiro lang nila ako.
“Oo
nga kinansel na raw kasi malakas daw ang ulan. Hindi mo ba alam?”Dagdag niya.
“Kung
alam ko papasok ba ako?” Sagot ko habang nakatawa.
“Kawawa
ka naman. Sayang lang pinamasahe mo.”
“Oo
nga De Qui, nag-aksaya ka lang ng pera.” Wika ng isa kong kaklase habang sa
isip-isip ko ay ganoon din naman sila.
“Bakit
hindi ninyo ako tineks?”
“Ah.
Hindi ka ba napadaanan ng jiem?” Sagot ng isa ko pang kaklase. Sa puntong iyon
ay nakakaramdam na ako ng inis. Kapag may mga mahahalagang impormasyon ay
tineteks ko sila pero kapag ako ang nangangailangan ay wala namang nakakaalala
sa akin.
“Haaay…
Buhay!” Buntong-hininga ko. Wala akong nagawa kundi ang bumalik para umuwi.
Hinubad ko na rin ang polo ko para hindi na ako pagtawanan ng mga
nakakasalubong ko.Siguradong bubungangaan lang ako ng mga
magulang ko kapag umuwi kaagad ako ng maaga. Kaya naman tulad ng dati ay
dumiretso ako sa computer shop nang sa gayon ay hindi na mabawi ang baon ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento