Martes, Disyembre 2, 2014

Mt. Romelo Adventure

Pagod sa trabaho? Want to have some fun? Wala nang mahabang usapan! Umpisahan nang magyakag, kapag may sumama, then go! Whatever happens, happens. Kapag may umurong, huwag pansinin sa buong linggo. Haha. Kapag may pasok sa trabaho, who the hell cares! This is an important matter. Hiking kung hiking, klaymbing kung klaymbing nang sa gayon ay ma-refesh ang hardworking na mga katawan. Ma-rerefresh nga ba o mabubugbog? Ooops... Biglang may dumating na bagyo. Again, wala nang makakapigil sa biglaan na planong ito. Expect the unexpected! Sabi nga ni kaibigan, "there is no wi-fi in the forest, but I promise you will find a better connection." For sure, hugot niya lang ýan sa Google.


The Mastermind
The Veteran Mountaineer
"Mr. Ben"

Pagkatapos makapagbigay ng mga suhestyong lugar na maaaring puntahan, isa ang nanaig! Mt. Romelo. Bago sa pandinig ko. Search sa Google. Matatagpuan ito sa Siniloan, Laguna. First time kong makakarating dito. Exciting. Magandang lugar, maraming falls, maraming mga kaibigan na sumama, APPROVED!

Falls:

Buruwisan,
Lanzones
Batya-Batya
Sampaloc


6:20 am - 7:10 am - Dasma to Calamba. P60

Walang tulog! Alas tres ng umaga yata kami gumising. Pagdating sa paradahan sa Dasma, may nag-exist na black sheep. Tulog pa si kaibigan kaya iniwan na lang namin at hinayaan siyang magbiyahe mag-isa. That's what friends are for. Siya pa naman ang may dala ng ulam at tent.


The Three Musketeers


The Aegis?

Kain muna sa Mcdo para may sapat na isang daang porsiyento sa pag-akyat sa bundok.



8:20 am – 9:50 am - Walter to Sta. Cruz. P50




10:00 am – 10:55 am - Sta. Cruz to Siniloan. P43


Parokya ng Immaculada Concepcion




11:00 am – 11:15 am – Siniloan to Buruwisan. P20 (tricycle).


Bili-bili muna ng lambanog este ng pangtanghalian sa mga karendirya.

Sa wakas, nakarating din! This is the start of the adventure! Leggo!

Guide fee – P500 (may tawad na).






Registration – P50





Simula na ng bakbakan. Isuot na ang pangbundok na sapatos, the best kung may spike. Ihanda ang pagkain at tubig na dala. Higit sa lahat, magsimula nang magdasal para sa ligtas at masayang paglalakbay.


Dahil umulan, naging sobrang maputik ang mga daanaan. Ilang beses kaming nadapa at nadulas pero ang mahalaga natutunan naming bumangon sa sarili naming mga paa. Tsarot!

P.S. Maghanap ng kahoy na pwedeng maging tungkod.



Sa kalagitnaan ng mahabang paglalakbay na sinabayan pa ng gutom at pananakit ng mga paa, isang liwanag ang aming nakasalubong. Si Ate, nagbebenta ng ice candy. Tamang-tama para sa nanunuyot naming lalamunan. 

Mag-ingat sa pagbaba. This is a real 90 degrees! Mula rito masisilayan na ang falls.
Welcome to Buruwisan Falls





Pagkatapos ng panandaliang pagtatampisaw at pagbabad sa likod ng falls, bihis na ulit para marating ang susunod na destinasyon. Kaunting lakad lang at ligo na ulit sa panibagong falls.

Hello Lanzones Falls


Feel the most magical moment behind the falls.



Dalawang falls lang ang aming narating pero sulit na sulit. Bawing-bawi sa pagod at gastos. Isa namang pagkakaibigan ang pinatibay ng isang paglalakbay. Sa bawat pagkadulas, hagalpak na tawanan ang katumbas. Bawat patak ng falls, isang permanenteng litrato ang nabubuo. Isang imahe na magpapaalala na minsan, naglakbay ako sa lugar na ito kasama ang  mga kaibigan na naging parte na ng buhay ko.

Kaya ano pang hinihintay ninyo? Pack up your things and ready for the next big adventure! Walang masama kung susubukan, ang mahalaga ay ang karanasan na bubuo sa pagkatao ng bawat isa, magpapatibay ng samahan, magpapalago ng tiwala at higit sa lahat masilayan ang ganda ng kalikasan na ibinigay ng may likha.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento