Lunes, Nobyembre 7, 2016

Engineer Hugot

1. Hinay-hinay lang sa paglalaro ng Pokemon Go. Baka naman kasi nabihag mo na ako tapos mambibihag ka pa ng iba.

2. Sabi ni bes dalawa raw ang klase ng panahon. Sa pagkakaalam ko, tatlo e.

Panahon ng:

1. Tag-jowa
2. Tag-hiwalay at
3. Tag-move on.

3. HR: So tell me about yourself?

Ako: Ako po si De Qui. 24 years nang umaasa. Nag-aral sa PUP. Kumuha ng kursong Electronics Engineering ngunit nabigo naman po akong makuha ang puso niya.

HR: Hala? Are you single?

Ako: Sabihin na lang po nating nagmahal ngunit pinaasa, nagmahal ngunit iba ang pinili o nagmahal ngunit may mahal siyang iba.

4. 7:40 pm nasa dyip na ako. Tapos 10:00 pm pa umalis ang dyip. Wala man lang nadagdag sa bilang ng pasahero. 'Yong akala mong may hinihintay ka, na darating para sa 'yo, na kahit anong tagal tinitiis mo kasi mahal mo e. Pero sa huli, aasa ka lang din naman pala. Wala naman pala talagang sasabay sa biyahe ng buhay mo.

5. Finit to work ako ng doktor kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi pa talaga ako okay. Kase iniwan na niya ako e! Bakit kasi sa hospital walang Move On Certificate? Bakit kasi sa trabaho walang Move On Leave (MOL)? Hindi ba pwedeng umabsent muna kasi pinili mo na magmove on na?

6. Job interview:

Manager: Anong ginagawa o ginagamit para mabagu-bago ang boltahe ng power supply?

Ako: Hindi po ako ang makakasagot niyan Sir. Simula kasi ng nagbago siya, nanlamig na siya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagbago.

Manager: Ok. I understand. So next question ko is para saan ang capacitor?

Ako: Tinatanggal niya po ang variations? Ang mantsa? Ang bakas ng kahapon?

Manager: Paano tinatanggal? 

Ako: Pasensya na po talaga Sir. Hindi ko po talaga alam. Hindi naman po kasi nawawala ang sakit, nakakalimutan lang. Kahit maghilom, may peklat pa rin na nagpapaalala ng mapait na kahapon.

Manager: So how much is your expected salary?

Ako: Hindi na lang po siguro ako mag-eexpect. Baka kasi mag-assume na naman ako na parehas kami ng nararamdaman, 'yon pala ako lang ang nagmamahal.

7. Pusher ako! Huwag tularan!

Pilit ko siyang itinutulak sa taong mahal niya dahil hiniling niya at nakikita kong masaya siya. Pero ang hindi niya alam ay nasasaktan na ako dahil mahal ko siya ngunit iba naman ang gusto niya.

Kapag lumaban ba ako mamamatay ang nararamdaman niya para sa isa at tuluyan ko ng mabibihag ang puso niya?

Pusher ako! At ang sakit-sakit na.

8. Estatwa lang ba talaga ako sa 'yo? Kasi pansin ko na kahit na anong gawin ko, tila ba binabalewala mo.

9. Sa sinehan...

Ako: Miss showing na po ba ang Inferno?

Siya: Ah... Sorry sir hindi pa po e. Sa Wednesday pa po.

Ako: Ah sige. See you on Wednesday. (Sabay alis)

Siya: Sir... Sir... Baka po gusto ninyong tingnan ang schedule para di kayo malate ng jowa ninyo.

Ako: Ako lang naman po ang manonood.

Siya: Bakit po?

Ako: Wala e. Simula nang iniwan niya ako, naging inferno na ang buhay ko.

10. Fun Run.

Sa simula lang naman masaya. Masaya dahil sabay kayong tatakbo para sa iisang layunin. Magkasabay sa pagbagtas ng bawat kalsada. Magkasabay sa paghabol ng hininga at magkasalo sa pagpawi ng uhaw. Pero habang tumatagal, hindi mo namamalayang mag-isa ka na lang palang tumatakbo. Dahil ang kasabay mo noong una, iniwan ka na at may kasabay na palang iba.


Ito ang aking lahok sa kategoryang "Hugot."






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento