Miyerkules, Marso 4, 2015

The Job Hunting

Tama na ang aral! Tama na ang pagsusunog nang kilay kahit na alam kong nagongopya ka lang din naman pagdating ng eksam! Tama na ang pagiging tambay, palamon at pabigat sa lipunan kasabay ng bumibigat mong timbang!  Hindi ka isang paniki para matulog sa umaga at manatiling gising sa gabi para sa walang kabuluhang pagpupuyat. Panahon na para igalaw-galaw ang mga paa at magbanat ng buto hindi para sa pansariling kapakanan kundi para na rin sa mga mahal sa buhay na dahilan kung bakit ka nakapagtapos ng pag-aaral. Ipikit ang mata. Humakbang pasulong at magsimula nang hanapin ang sarili patungo sa pag-abot ng iyong mga pangarap.


Hindi ito ang sinasabi kong pangarap. Unang apply, bigo! Buti na lang at kaarawan ng tropa kaya naman um-OT agad ako sa ibang bahay. Bigo man sa unang subok, binusog naman nila ako ng maraming pagkain at alak.


Hanapin na sa baul ang resume. Kung mukhang habulin ng pideya ang litrato, aba'y magpunta na sa pinakamalapit na papiktyuran. Huwag nmahiyang magpa-edit ng mukha. Ganiyan talaga ang buhay, paseksi-seksi lips na lang pag may time. Magpapiktyur nang nakangiting bente. Ihanda na ang mga papeles. Higit sa lahat, manghingi ng salapi sa magulang! Hayaan mo. Tiis-tiis lang sa kahihiyan. Dumarating talaga sa ganiyang punto ang lahat. Para makabawi, maglinis na lang ng bahay, magwalis, magligpit ng mga plato at magsaing.

Tambay's Farewell Speech





"Being a tambay has not been so easy. Since I was a kid I have always dreaming of this in spite of the hindrances I have been through. At first, I almost gave up and started to doubt myself if I still can reach this wildest dream of my life. Then my neighbor said "aanhin mo ang bahay kung wala namang tambay." When I heard that, I started dreaming again and I tried harder to endeavor so that I cannot disappoint the people who believe in me. Now, look at me. I am now a tambay. It is the greatest fulfillment of my life. Through this, I can help my parents in household chores, I can always watch my favorite series in television and of course I can eat all the foods in the refrigerator even we don't have it.

This beautiful experience also gave me the chance and opportunity to meet new people and participate in different events and gatherings of our beloved town which taught me plenty of things and helped me to become a better person.

I am so grateful to the people who have become part of my journey. I would like to use this opportunity to thank my family, friends, classmates and the people who never stop supporting me. To those who will follow my steps, good luck and ready your ears for your parents' sermons.  Thank you."




Sa tuwing nag-a-apply ako, palagi na lang akong hindi dinadapuan ng antok sa gabi. Siguro dahil isa akong nocturnal! I'm a bat so I must stay awake at night! Hindi naman ako eksayted pero gusto yata ng universe na maging pangit ako pagharap sa mga mag-iinterview. Nagpagupit at nagpalaki pa naman ako ng katawan para appeal pa lang, tanggap na!


Unang apply ko, sa Mandalayong. Excited kong plinantsa ang susuutin kong longsleeve na gamit ko pa noon sa pageant, sapatos na kinupas na ng panahon habang nag-aaral pa lamang at ang bagong bili kong sapatos na itim na nagamit ko rin noong ako'y nagtapos.

Mula Cavite, naglakbay ako patungong syudad! Ginugel map ko muna nang sa gayon ay hindi ako maligaw. Pagsakay ko ng mrt, ingat na ingat ako sa dala kong brown na envelope. Malapit na ang destinasyon kaya naman pumunta na ako malapit sa labasan. Nang papalabas na ako ay napuno ako ng pagtataka dahil hindi bumubukas ang pinto. Walang labasan. Isang pader ang nakaharang! Paglingon ko sa kabila, nandoon pala ang tunay na lagusan. Dali-dali ako sa paglabas habang nagigitgit ng mga pasahero at nang malapit nang magsara ang pinto, hinarang ko ang paa ko. Tagumpay! Napigilan ang pagsara. Ang nakakalungkot, paa ko ang naunang makarating at naiwan ang katawan ko kaya sinubukan ko muling lumabas, hanggang sa sinubukan ko nang iipit ang hawak kong envelope sa pag-asang mapipigilan nito ang pagsara ng pinto. Damn! Naipit lang ang envelope ko sa pinto ng mrt! Hinawakan ko na lamang habang umaandar! Sa kabilang istasyon na lang ako bumaba. Sumakay ako ng dyip pabalik ngunit nakalagpas naman! Sa huli, puro lakad na lang ang lahat ng ginawa ko! 

Pagpasok sa kumpanya, isa namang problema! Mas nakakakaba pala ang pagsakay sa elevator kaysa sa job interview. 'Yong tipong maghahanap ka muna ng makakasabay para hindi ka magmukhang mangmang dahil hindi mo alam kung paano ba bubuksan 'yong pintong parang nakakahati ng katawan 'pag nagkataon. Bakit kasi may pinipindut-pindot pa roon. Hindi tulad ng escalator, tatapak ka lang, rak na!

Ooops... Kumakalam na ang aking sikmura. Wala pa namang ako ni kahit skyflakes na paboritong biskwit nang lahat nang sumasali sa mga reality show habang nakapila sa audition. Ang mahirap sa pag-a-apply ng trabaho sa loob ng compound ay walang makakainan. No choice! Kailangan ko nang kumain ng kulangot na green na tatlong araw ko nang ibinuro sa aking ilong makaraos lang. Yam! Yam! Yam! Ang sarap ng pagka-salty!


First application: Failed!
"Wansapanataym, I apply for a job somewhere in Maynila. There were fourteen licensed engineers versus me who is not a licensed. Then they lived happily ever after. Makapagmacho-dancer na lang."
Habang pauwi, nakakadagdag ng pagka-emo ang pagtawid sa mahabang tulay na may malawak na ilog sa baba. Talon na lang kaya ako para makaalis na sa malupit na mundong ito? Isang beses pa lang nabibigo, malupit agad? How cruel!

Kahit na nabigo, hindi ako nawalan ng pag-asa. Naghanap ako sa internet nang maaaplayan. Tinext ako for the interview. Pagdating ko doon, mali pala ang naaplayan ko. Isang agency. Ang malupit, pang call center! Kung sa bagay nag-apply ako bilang technical support! Pero malay ko bang inglisan pala ang ganoong trabaho! Ganito sa agency! Ihahanap ka nila ng kompanya. Ang kailangan mo lang ay maghanda. Nakadalawang kompanya yata ako.

"You're an engineering graduate and I expect so much from you and you're like that! I'm so disappointed! You may go now!"

Kanina habang nag-a-apply, a part of me is saying (oha! English! Teng-ene!) na parang ayaw ko pang matanggap kahit gusto ka na ng pagkakakitaan. Siguro dahil hindi na ako makakapanood ng Adventure Time na dahilan kung bakit nag-aalarm ako ng alas dyis ng umaga, tatlumpung minuto na pag-aalmusal bago ako manood. Siguro dahil sanay pa ako sa pahingi-hingi lang ng baon sa magulang. Hihingi ng pera para sa kunwa-kunwariang school project at imbentong kailangang may ipa-xerox gayong ginagamit ko lang naman talaga ang pera para magkompyuter. Siguro dahil ayaw ko pang maramdaman ang pagtanda. Siguro hindi pa ako handang maghanap ng mapapangasawa na aanakan ko ng labing dalawa. Siguro... Maraming Siguro...


Second and third application: Failed!


Unforgetable interview #1
Manager: What is your greatest strengths?
Ako: My greatest strength would be my intelligence and thoughtfulness. Because I believe that in every work environment you need to possess every step and be detailed in your work. Thank you. (Kuha ko lang sa google.)
Lakas makapageant ng mga tanong. Buti na lang at nahasa ako noon! Mr. Wit yata ito!
Manager: Okay! I have now the results. If I call your name, please step forward.(Mentioning names...) Those at the back, I'm sorry but you did not make it. And all of you in the front row, you also didn't make it!

Sabi ni kumpadre, matauhan na raw ako. Halos ilang buwan na pero hindi pa rin ako tinatawagan ng mga kumpanyang inaplayan ko. Sa dami nila, wala man lang kahit isa? Sapat na nga ba ang isang buwan para humanap na ako ng iba? Pero sabi ko, hindi! Habang may pusong naghihintay, patuloy akong aasa na isang araw ay tatawag rin siya at maririnig ko ang kaniyang boses. Nandito lang ako at hihintayin ko siya lumipas man ang tatlong buwan. Three-month rule. Hugot!

                                                


Last night, I've prayed that the company I'm applying for will call me today. Wish granted!


Unforgetable interview #2
Company: Hello, may I talk with (my name.)
Ako: Yes... Ako nga po... (Silence...) Ako nga po.

Fuck! Minsan, hindi rin maganda ang soft touch na phone. Hindi ko alam kung binabaan ako o na-end call ko?!I've been waiting this for so long then I've just messed it up! If the saddest line in the fairy tale is "Do you wanna build a snowman?" My saddest line is "Yes. Ako nga po.  Ako nga po."


Unforgetable interview #3

HR: Did you take the board exam? 
Ako: Yes. Last December. 
HR: What happened? 
Ako: I failed. 
HR: Hmmm... Why did you fail? 
Ako: Because that board exam was the hardest in our history EVERRR! 
HR: But some of those who applied here also took the exam and they are all board passers. So why did you  fail? 
Ako sa isip: Pektusan ko kaya 'to sa hypothalamus! Kung ikaw kaya ang magtake nang malaman mo kung gaano kahirap ang board exam! Fuck you ka po.

Unforgetable interview #4

HR: You wrote here that your special talent is blogging. So I don't need to ask you about anything in English. Because I know you're fluent in it. 
Ako sa isip: Akala nyo lang fluents ako. Pero hindi! Hindi! Hindi! Pero at least wala nang maraming tanong. 

Waited for five hours for the next interview. Uuwi na sana ako dahil sa sobrang tagal kaso  biglang may sumulpot!


Bago matulog hiniling ko na sana makahanap na ako ng trabaho. Trabaho na makakaintindi rin sa kagustuhan ko na mag-aral ulit para maging linsensyado!


Panaginip #1

Boss: Bakit ka absent kahapon? 
Ako: Nanghiram po ako ng mga review materials. 
Boss: Ano ba talaga ang gusto mo? Magreview o magtrabaho? Habang maaga pa ay mag-isip-isip ka na! 
Ako sa isip: Noong ininterbyu ninyo ako, kayo mismo ang nagsuggest na magself-review na lang ako kaysa mag-enroll sa review center tapos ngayon... Anong karapatan ninyong tuldukan ang pangarap ko? Nandoon ba kayo noong nagsunog ako ng kilay? Nandoon ba kayo noong pinipilit kong magsulat kahit masakit na ang mga kamay ko? Nandoon ba kayo noong nangongopya ako sa katabi ko kapag mahirap ang exam? Wala naman, 'di ba? Wala! 


Sa pagtahak sa bagong landas, kailangan may sinusunod tayong career plan. Kung wala ka nito, ibig sabihin wala kang gustong mangyari sa'yo. Wala kang pinaghahandaan. Ang gusto mo lang ay kumita nang kumita. Pero sa ngayon, hindi pa ganoon kabigat ang plano ko! Base sa estimasyon ko kung papasok ako sa isang kumpanya na may minimum na sahod, ganito ang plano:

Plan A: Be employed. Earn money to enroll in a review center.
Result: Failed.
Reason: Hindi aabot ang maiiipong salapi. 
Plan B: Self-review.
Result: Failed.
Reason: 8:30-10:00 pm ang labas sa trabaho. Naglalaba pagdating sa bahay. Playing dead ang katawan. Kung gagamitin ko ang dalawang oras bago mag hatinggabi baka madeds ako nito. Health is wealth. 
Plan C: Request kung pwedeng hindi mag-OT.
Result: Failed. 
Plan D: Request kung pwedeng hindi na lang pasukan ang Linggo.
Result: Failed. 
Plan E: Magdroga na lang at kalimutan na ang nasimulang pangarap.
Result: To be followed-up.

Nakalimang apply yata ako bago ako matanggap! Tatlong pagkabigo at dalawang tatawag na lang daw. Pero 'yong panghuli, tumawag nang nakadalawang buwan na ako sa kumpanya na tumanggap sa akin. Maraming salamat po. Anong magiging desisyon ko? 'Yong nandyan na tinanggap ako o 'yong noon na binalewala ako pero napag-isip-isip niyang kailangan niya rin pala ako?!


Next step: The requirements!

NBI. Medical. SSS. Philhealth. Pag-ibig! (With the accompaniment of the song "All By Myself!")

Sa medical, medyo kinabahan ako. Sabi kasi nila, patutuwarin ka nang nakahubo! Pero sa sobrang dami ng mga dumating sa klinik, minadali na ang lahat! Walang nang tuwad-tuwad, nagbigay na lang nang tae at pagkatapos ay tsinekan ng doktor ang mga kasulatan! Sosyal ang lagayan ng tae, humingi ako sa fastfood ng cup ng sauce nila. Bago ako umalis sa bahay sa sumunod na araw, nilagyan ko na ito nang laman. Sinong mag-aakala na may dala akong tae sa bag habang nagbibiyahe! Pak na pak!


The Math Invasion!

Math is an air pollution. It is everywhere! I can barely breathing!

5'3" ang height ko pero dahil naiinggit ako sa mga matatangkad, 5'4" ang nilagay ko sa resume. Hindi naman masamang mangarap, 'di ba? Kaso sa form na dapat kong sagutan, centimeter ang hinihingi. Ibig sabihin kailangan kong magsuper-saiyan para makonbert ang feet at inches sa centimeter. Unit conversion in public place! Patay tayo nito.

Calm down. Compose yourself! Now, let's do the math!

1 foot = 12 inches
5 foot * (12 inches/ 1 foot) = 60 inches.

Then 1 inch is equivalent to 2.54 cm.\
(60+4) inches = 64 inches.

64 inches * (2.54 cm/1 inch) = 162.56 cm.

Tama ba? Kapag rounded down, liliit ako! Kapag rounded up, hayahay! No need na ang cherifer!

Sa wakas, nakalusot!


Tapos na ang mga paghihirap, papasok na ako sa tunay na mundo. Ang pangalawang yugto! Handa na ako sa malalaki at mabibigat sa responsibilidad. Nasasabik na akong magkaroon ng mga bagong kakilala na paglaon ay magiging bagong mga kaibigan. Ganito yata talaga sa simula, puro pagkasabik. Pero sa huli, paniguradong magpapaka-emo na naman ako.

Hanggang sa susunod na yugto mga 'tol! \m/





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento