Sabado, Oktubre 20, 2018

Sa Eskinitang Hindi Sinisikatan ng Araw

Habang naglalakad sa isang madilim na lugar ay bigla akong napahinto. Nabalot ng kaba. Hindi mawari kung lilingon sa pinanggagalingan ng ingay. May narinig akong sitsit mula sa isang grupo ng mga kababaihan. Hindi ko pinansin. "Pogi, gusto mo ng babae. P150 lang." Alok ng isang babae na may katandaan na. Halos lahat sila ay may mga edad na. Maiiksi ang suot. Parang sinabuyan ng harina ang mukha. Mapupula ang mga nguso. At naghuhumindik sa taas ang mga kilay. Umiling ako. Senyales ng pagtanggi. Sa isip-isip ko, ang mura naman ng pekpek sa panahon ngayon. Nagpalitan sila ng mga alok. Binilisan ko ang lakad. Habang nagmamadali ay napansin kong sinusundan nila ako. Nang magmatulin ako sa paglakad, binilisan nila lalo na halos tumatakbo na. Naabutan ako ng isa at patuloy na inaalok. Animo'y hagung na hagong sa tite este sa perang kikitain sa gabing iyon. Hinawakan ang aking kamay. Hanggang sa pag-agawan na nila ako. Pilit akong nagpupumiglas ngunit hindi ako makaalpas. Mabuti na lamang at may dumating na tanod. Agad namang nagkalasan ang mga matatandang pokpok. Tinanong ni kuya kung okay lang ako. Tumango na lamang ako at agarang umalis habang nakahawak sa braso kong napuno ng kalmot.

Pag-uwi ko sa bahay, agad akong nagtungo sa banyo. Nilinis ko ang aking katawan. Paulit-ulit kong sinabon ang sarili. Hanggang sa hindi ko namalayang umaagos na pala ang aking luha. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi ko. Ang hina-hina ko. Hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. Maraming pumasok sa isip ko pero tumigil lang ang pagpatak ng luha nang matauhan akong nasa bahay na ako. Bagama't may mga kalmot sa braso, ligtas na ako. Tanging buntong hininga at pagngiti habang napapailing ang naging reaksyon ko.

Makalipas ang ilang araw, nagtungo ako sa bahay ng jowa ko. Ipapakilala niya raw ako sa nanay niya. Maliit lamang ang bahay nila. Magulo. Hindi ko inasahan na rito siya nakatira. Pero okay lang naman sa akin iyon. Pagbukas ng pinto, isang babae ang tumambad sa amin. Nakataas ang paa habang naglalaro ng sungka. May nakaipit na sigarilyo sa bibig. May isang bote ng alak sa lamesa at mani na dinadapuan na ng langaw.

"Mahal, nanay ko nga pala. Pasensyahan mo na ganiyan lang talaga iyan."

Inabot ko ang kamay ni tita para magmano. Natigilan ako nang makita ang bracelet niyang kulay pula. Nakaramdam ako ng kaba. Tiningnan ko ang kabuuan ng mukha niya. Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga. Ang babaeng humablot sa akin noong isang gabi. Bigla akong umiwas ng tingin nang lumalim ang pagtitig niya. Hindi ako mapakali. Lalo na nang lumabas si mahal para bumili ng makakain.

Habang magkatabing nakaupo, biglang nagsalita si tita. "Naalala kita." Sambit niya. Hinawakan niya ako sa hita. Napalunok ako. Dahan-dahan njyang inaangat ang paghawak niya. Nagsimula na akong pagpawisan. Inilapit niya ang labi niya sa tainga ko. "Kaya kitang paligayahin." Bulong niya sa tonong mapang-akit. Nang akmang hahalikan niya na ako, biglang bumukas ang pinto. Napabuntong hininga ako. Mabuti na lamang at dumating na si mahal.

"Okay ka lang ba mahal? Parang namumutla ka." Tanong niya.

"Okay lang iyan. Baka nahihiya lang sa akin." Sagot ni tita sabay akbay sa akin. Sa sobrang gulo ng pag-iisip ko, minabuti ko na lamang na umalis. Naguguluhan ako habang naglalakad. Napapatanong sa sarili. Bakit nagustuhan ko ang paghipo ni tita? Bakit gusto ko pang marinig ang seksing pagbulong niya? Bakit hindi mawala sa isip ko ang mapula niyang labi? Hindi ko alam. Ang gulo. Maya-maya, di pa man ako nakakasakay ng dyip, nakatanggap ako ng teks mula sa isang hindi kilalang numero.

"Hello, ako ito, si tita mo. Kita tayo mamaya? Sayang naman iyang tigas ng junjun mo kung hindi mo papakawalan." Nagulat ako sa alok ni tita. Kinabahan ako pero nakakaramdam din ng pagkasabik. Hindi ko namalayang nasagot ko na pala ang teks ni tita.

"Sige po. Saan po ba at anong oras?"

Kinagabihan, nagtagpo kami ni tita sa eskinita kung saan kami unang nagkabangga. Nakita ko siyang papalabas pa lamang ng isang motel kasama ang isang banyagang may katandaan na rin. "Ano ikaw na ang sunod? Sisiguraduhin kong mag-eenjoy ka." Pagbati ni tita na papalapit na sa akin habang ngumunguya ng bubble gum. Hinawakan niya ang aking kamay. Inalalayan niya ako papasok sa parehas na motel. Pagpasok ng kwarto, bigla siyang naghubad. May edad na si tita pero ang katawan nito ay sadyang makinis pa. Bilugan at malulusog pa ang dibdib. Nangangatal na ako sa sobrang libog. Itinulak niya ako sa kama. Pinapak ng halik. Nagpalitan ng laway. Pinagsaluhan namin ang gabi na parang kami lang dalawa sa mundo.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni tita nang bigla akong tumayo para kumuha ng condom. Nilapitan niya ako. Kinuha ang hawak ko nang condom sabay itinapon. "Hindi mo na kailangan niyan. Walang sarap kung gagamit ka niyan." Paliwanag niya. Wala akong nagawa. Nagsimula siyang muli sa pagromansa sa akin. Ipinasok ko si junjun nang walang gamit na proteksyon. Hindi ko na naisip sa sumuway dahil pinangunahan na ako ng libog. Sarap na sarap kami sa sandaling iyon. Napakahusay ni tita. Hindi ko nagtataka kung bakit ang daming bumabalik sa kaniya. Nang matapos, saka ko lamang naalala si mahal.

"Paano kapag nalaman niya?" Tanong ko sabay buga niya sa akin ng usok ng sigarilyo. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako magsasalita." Pinanghawakan ko na lamang ang pangako niyang iyon.

Ika-walo ng Oktubre, pangatlong monthsarry namin ni mahal. Binigyan ko siya ng tatlong bulaklak ng rosas, tsokolate at nanood kami ng sine.  Tulad ng mga nakaraang masasayang araw, nagtalik kami. Habang magkayakap na nakahiga sa isang magulo nang kama, inamin ko na sa kaniya ang nangyari sa amin ni tita na nanay niya. Kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga luha niya. Nagpipigil siya pero hindi niya nagawang magalit. Nagmadali siyang magbihis. Iniwan niya akong mag-isa gayon din ang mga regalong ibinigay ko sa kaniya. Maya-maya ay nakatanggap ako ng teks mula sa kaniya. "Sorry mahal, sinira ko ang buhay mo." Hindi ko maintindihan. Ako ang nagkamali. Ako ang nanloko. Ako nga ang sumira ng buhay niya pero bakit may gusto siyang sabihin na hindi niya maamin. 

Makalipas ang ilang buwan na walang koneksyon sa mag-ina nakatanggap na lamang ako ng balita. Kasalukuyang nakaburol si tita. Agad akong nagpunta para makiramay. Naabutan ko si mahal na nakaupo sa tabi ng kabaong. Hinawakan ko siya sa balikat habang nakaupo. Gulat na gulat siya nang makita niya ako. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Bumuhos ang luha niya habang paulit-ulit na humihingi ng paumanhin. Gulung-gulo na ako. Litung-lito sa mga sinasabi niya na hindi ko pilit na maunawaan. Hinila niya ako sa likuran ng bahay nila. Nag-usap ng masinsinan. Doon niya inamin ang lahat. 

"Namatay si nanay dahil sa sakit na HIV." Kwento niya habang humahagulgol. Pinangunahan ako ng takot. "Kailan pa ito?" Tanong ko. Halos gumuho ang mundo ko nang malamang matagal na pala ang sakit ni tita. 

"Nagpatest ako kahapon. Nagpositive ako. At tanging sa iyo lang ako nakipagtalik sa buong buhay ko." Pag-amin niya. 

"Posible bang..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Kung may sakit na rin si mahal, malamang sa akin niya nakuha iyon. Sobrang nanlambot ako. Maliwanag na ang lahat sa isip ko. Paulit-ulit akong humihingi ng patawad sa kaniya pero ganoon din siya sa akin. Awang-awa siya sa akin dahil naloko ako ng nanay niya. 

"Nang malaman ni nanay na nagkasakit siya, ginusto niyang maghiganti. Kaya paulit-ulit siyang nakipagtalik sa iba't-ibang lalaki. At isa ka sa mga nabiktima niya." 

Halos mandilim ang paningin ko mga salitang binitawan niya. Nanlumo ako. Niyakap ko siya habang humihingi pa rin ng pagpapatawad. Kinaumagahan, sinamahan niya akong magpatest. Tama siya, nahawa na rin ako. Nagpositibo ang resulta.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong niya. Inamin ko sa kaniya na hanggang ngayon ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Ganoon din naman ang sinabi niya.

"Kaya natin ito mahal. Lalaban tayo. Kailangan nating magpakakatag, magpalakas at higit sa lahat, kailangan natin ang isa't-isa. Mahal na mahal kita Anne. Mahal na mahal."


"Ito ang aking lahok sa taunang patimpalak ng Saranggola Blog Awards para sa katergoryang Maikling Kuwento." 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento