Martes, Nobyembre 2, 2010

Et Cetera

Mahirap maging mahirap! Isa lang ang rest room namin. Napakasaklap isipin na habang naliligo ka ay di mo inaasahang unti-unting dudulas ang sabon sa kamay mo at mahuhulog sa inodoro. Mapapatulala ka at mapapaisip kung kukunin mo ba ang sabon gamit ang kamay o hahayaan na lang itong matunaw doon gayung bago pa at safeguard ang tatak nito. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko,ano ang gagawin mo?

Nakakarimarim. Bakit dumarating ang mga pagkakataong di mo kailanman inasahan. Habang kumakain ka ng Chippy,bigla ka na lang masusuka ng kaunti at bigla mo namang malulunok. Malalasahan mo ang lasa ng mga pinaghalu-halong pagkain na matagal ng binuro sa mga bituka ng tyan mo. Dahil sa asiwa ng nararamdaman,ipapasok mo ang dalawang daliri sa ngala-ngala para tuluyang masuka. Subalit nang masuka ka ay may sukang pumasok sa butas mula ngala-ngala patungong ilong kung saan  may naiwang mga butil ng kanin na nagmula sa almusal mo kanina.

Bakit ang mga nagtitinda ng yelo ambisyoso? Bumili ako ng yelo sa isang bahay na may nakasulat na "ice for sale," lumabas ang tindero/ra at nagtanong na "ano yun?" Bakit pa nila tinatanong kung ano yung bibilihin ko gayung yelo lang ang tinda nila?! Sa inis ko tinanong ko na lang kung may tinda silang ice candy kahit alam ko namang wala. Sabi nung tindera "wala eh,yelo lang." Sabi ko naman,"ah...sige po yelo na lang," nagkalokohan!

Kasama ba ang mga bagay na ito sa mga paghihirap na dapat pagdaan ng tao para magtagumpay? Kung sa bagay, sabi nga ng Alaska Aces:"for us to rise,we had to fall."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento