Biyernes, Nobyembre 19, 2010

Modernong Pulubi

Sa pag-inog ng mundo, maraming bagay ang maaaring magbago kahit sa loob lamang ng ilang segundo. Moderno na ang ating panahon at ramdam na ramdam na ang sopistikasyon na talaga namang nakakapagpaginhawa sa buhay ng bawat indibidwal. Nagbago ang ating kapaligiran, ang mga bagay pati na rin ang mga taong pumapaligid sa atin. Ngunit sa pagbabagong ito nakakalungkot isipin na marami sa atin ang di ito nararamdaman at tila patuloy na nililimot ng modernong panahon.
Noon, naaawa ako sa bawat taong namamalimos sa mga kalsada o lansangan, sa mga paradahan ng mga sasakyan at sa iba’t-ibang lugar na maaaring maging lugar ng palimusan. Nalulungkot ako para sa kanila, biktima lang sila ng napakagulo at di maintindihang lipunan at mamamayan. Iniwan ng mga magulang, itinakwil, ipinamigay at inalisan ng karapatan na mamuhay ng may kompleto at masayang pamilya. Marami sa kanila ang di na nakapag-aral, nag-asawa sa murang mga edad at bumuo ng pamilya sa lansangan, marami ang nagbebenta na lamang ng katawan o lamang loob para magkaroon ng perang pangkain o pangbisyo at marami na rin ang nakakagawa ng krimen para lang maibsan ang kalupitang dulot ng lipunan.
Kung ang itsura ay madaling baguhin gayun din ang ugali ng bawat tao. Hindi ko alam kung maaawa pa ba ako sa mga pulubing namamalimos o maiinis lang dahil sa kanilang mga pagbabago. Kasabay ng mainit na panahon ay ang unti-unting pagdating ng mga pasahero sa dyip na sinasakyan ko. Nababalot ng pawis ang aking katawan habang patuloy na naghihintay sa pag-ihip ng hangin. Nakakagutom kaya naman napapatingin na lang ako sa mga kapwa ko estudyante na humihigop ng coke kasabay ng pagnguya ng roller coaster at clover. Maya-maya isang bata ang dumating para mamalimos, medyo kirat ang isang mata, nakaputing damit, at may hawak na kanin na nakalagay sa plastik. Binigyan ko sya ng natirang pisong barya sa bulsa ko subalit hiniling nya na dagdagan ko para makabili sya ng ulam. Naawa ako’t nahabag kaya naman pinagbigyan ko sya sa simpleng kahilingan, ang mahalaga ay ang makatulong sa mga taong nagigipit. Ngunit kinabukasan ay nandyan na naman yung batang namamalimos, nagtaka ako kung bakit pinaalis na sya ng konduktor pero ang di ko alam ay araw-araw pala syang namamalimos doon kaya naman nasasawa na ang mga pasahero sa ginagawa nya. Ang sabi nila dapat maghanap na lang sya ng pagkakakitaan kaysa umasa sa pamamalimos. Simula noon, hindi ko na ulit sya binigyan ng barya dahil baka masanay pa sya at sa huli ay habul-habulin ako.
Bukod sa kanya, may dalawang magkapatid na nanghihingi rin ng pera sa mga pasahero pero iba ang istilo nila at madaling makisama sa mga tao. Minsan, para lang makabili ng isang istik ng sigarilyo ay nagpapakitang gilas sila sa pamamagitan ng pagrarap. Ilang beses ng nakukulong ang magkapatid na iyon at ilang beses na ring nakalaya hindi dahil sa pamamalimos o paninigarilyo kundi dahil sa lantarang pagraragbi kung saan nakapaloob ang kaliwang kamay sa damit na may hawak na plastic labo na may lamang ragbi na kulay berde na dahil sa katagalan. Pero minsan humanga na rin ako sa kanila dahil sa isang pagbabago, ang pagtatrabaho kung saan nagtitinda sila ng mga kendi, mani, beans at iba pang nakabalot sa plastic ng ice candy. Pero kahit nagugutom at nais ko ng bumili ay nagdadalawang isip pa rin ako dahil habang hawak nila ang mga tinda sa kanang kamay ay ragbi naman ang hawak sa kabila.
Isa sa mga kinainisan kong namamalimos ay yung matandang babae, may kulay pink na bag, kulay asul at pula ang damit, kulay brown ang pajama, medyo kirat din at may hawak na karatula kung saan may nakasulat na “Jesus, iilain na si Jesus.” Nainis ako hindi dahil di ko naintindihan ang mensahe nung matanda kundi dahil sa ibaba ng mensahe ay may nakasulat na “P5.00, P10.00, P15.00, P20.00, P50.00.” Tumayo ang matanda sa harap naming mga pasahero ngunit hindi sya nagsasalita. Nakatayo lamang sya hawak ang karatulang may mensahe at naghihntay na lamang na magkusa ang mga tao na magbigay ng donasyon. Binigyan sya ng katabi kong pasahero ng piso ngunit nagalit ang matanda at humingi pa ng dagdag. Sinabi nya na dapat limang piso rin ang ibigay ng katabi ko dahil yun ang halagang ibinigay ng isang pasahero at ayon nga sa karatula nya ay lowest P5.00. Dahil di na nagbigay ang katabi ko dahil na rin sa pagkainis ay tuluyang nagalit ang matanda kaya doon naman sya sa mga estudyanteng nakaupo sa canteen sunod na tumayo para muling ipakita ang karatula. Abala sa pagkukwentuhan ang mga estudyante na walang balak na magbigay ng donasyon kaya naman mas inilapit ng matanda ang karatula habang nagkakamot na ng ulo. Wala syang napala sa mga estudyante kaya naman dumungaw sya sa bintana ng dyip at doon sa ibang mga pasahero namalimos. Hindi rin sya pinansin at paglipas ng mga minuto ay muli syang nainis kaya naman tinuktok nya na ang bintana para mapilit na magbigay ang mga pasahero ngunit hindi pa rin sya pinansin. Piso ang napala ng masungit at demanding na matanda kaya naman tuluyan nya ng nilisan ang paradahan ng dyip kung saan lumabas ang mga hinaing ng pasahero tungkol sa pagrereklamo nya sa mga halagang ibinibigay ng mga tao.
Tama ba na mamili pa sila ng halagang ibinibigay ng mga tao? Tama ba na gastusin nila ang perang nalimos sa bisyo? Tama ba na magbigay ako kahit piso? Kung sa bagay, nadadala lamang sila ng pabagu-bagong panahon at kapaligiran. Sa sistema ng gobyerno natin kung saan ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong humihirap, siguradong mas malala at malupit ang nararanasan nilang paghihirap kaysa sa atin. Ilang mamamalimos pa ba ang isisilang sa mundo? Napakasaklap isipin na sa kabila ng buhay na ibinigay sa kanila ay ang pagdanas ng karumal-dumal na paghihirap at pasakit pero sino ba naman tayo para magreklamo, ang mahalaga ay nasilayan natin ang mundong ipinagkaloob ng Diyos at naniniwala ako na kung ano man ang sapitin ng bawat nilalang ay may dahilan. Maaaring hindi natin gusto ngunit kailangan nating tanggapin dahil ang bawat nilalang ay mga parasitiko na umaasa sa kapwa nilalang para mabuhay, para sa mga pangangailangan at para magampanan ang nakasulat na misyon na dapat nating isakatuparan.

Sabado, Nobyembre 13, 2010

I wish there is Harry Potter movie on 2012 and so on

I think there is a possibility for having another movie of Harry Potter if Lord Voldemort will not be dead or the possibility of having Voldemort's son who will continue his darkness.

Goodbye Hogwarts..
I will miss...
-the accents of the characters and the characters also
-the magic spells
-the friendship
-the rivalry between Voldemort and Harry
-the excitement every year for the release of the new movie
Which character will you miss the most?
What do you think is the possible twist for having another movie?
official like page:
http://www.facebook.com/foreverpotter

Martes, Nobyembre 9, 2010

Ba Be Bi BoBo

Kasalanan ko bang maging mahirap,mag-aral sa isang unibersidad kung saan wala ang kursong pinangarap ko? Hindi naman di ba? Napilitan akong maging isang estudyanteng inhinyero para lang makapag-aral ng may mababang matrikula. Hindi ko naman ginusto pero sa hirap ng buhay ngayon kung saan hindi nakapag-aaral ang ibang tulad ko wala akong karapatang mamili kahit sa kabila nito ay ang pagharap sa math subjects na pinakaayaw ko. Mahirap para sa akin dahil laging napupuno ng takot at pangamba ang sarili ko kung sa susunod ay kakayanin ko pa bang makapasa. Palaging balisa sa tuwing malalaman ang mga marka na nagiging dahilan ng tuluyang pagkawala ng tiwala ko sa sarili. Para makabangon, kinapalan ko na ang mukha ko. Nanghihiram ng notes nila, nangongopya ng assignments at solutions nila sa bawat equations na hindi ko maintindihan kahit pilit kong pag-aralan. Para sa akin, hindi masama ang mga gawaing iyon, ang mahalaga marunong akong mgatanong kung paano nila nagagawa at nasasagutan ang mga bagay na iyon.

Lahat ng paraan handa kong gawin para lang pumasa. Kahit labag sa patakaran at kasalanan sa Diyos, patuloy at paulit-ulit ko pa ring ginawa. Ano ngayon kung sinubukan kong magcheat,mangodigo at lumingon sa mga katabi sa oras ng mga pagsusulit? Masama man ako sa paningin ng iba pero kinailangan kong gawin ang mga kasalanang iyon. Hindi naman makokompleto ang pagiging isang kolehiyo kung di mo mararanasang mandaya. Hindi lang naman ako ang gumagawa nito, maging ang iba sa mga estudyante na kung tawagin ay dean's list ay naranasan na rin ito. Bukod dyan, dapat ding sisihin ang ibang mga propesor na bukod na palaging late ng isang oras sa klase ay di pa ganoon kagaling ang pamamaraan ng pagtuturo. Hindi ko sila sinisiraan pero yun ang katotohanan. Hindi ko rin sila ginagawang dahilan para lang pagtakpan ang pagiging mahina ng ulo ko.

Oo! Tama ka! Hindi ako magaling na estudyante,hindi ako magaling na inhinyero at lalong hindi ako magaling sa pagsolve ng mga math equations na di ko alam kung saan nadukal. Sa madaling salita, BOBO ako kung ituring ng iba. Pero wala namang taong bobo di ba? Lahat tayo binigyan ng kakayahan na nagagamit natin sa iba't ibang aspeto at larangan. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sa halip na tulungan nila kaming pumasa bakit puro panlalait pa yung mga naririnig ko. Masyadong mapanghusga ang mga tao sa paligid ko, mapanlait at mapagmataas. Paano ko sila pakikibagayan kung alam kong hindi naman nila maintindihan kung ano ako.

Naniniwala ako na may sarili akong kakayahan. Nagtitiwala ako sa sarili ko na makakaya kong lagpasan ang mga balakid na pumipigil sa kin. Hindi naman ibig sabihin na BOBO ako wala na kong mararating sa buhay. Sa mga taong tumatapak at patuloy na di nagtitiwala sa akin, balang araw mapapatunayan ko na sa pamamagitan ng sipag at tyaga, tamang diskarte at patuloy na pananalig sa Maykapal makakaya ko ring tawirin ang dagat, makakaya ko ring akyatin ang mga bundok ng walang anumang balakid, maabot ko rin ang taas, magagawa ko ring umasenso, magtatagumpay ako at makakamit din ang mga mithiin ko sa buhay.

Lunes, Nobyembre 8, 2010

Landi Mo Girl!

Mga alas dos na ko lagi natutulog dahil sa pag-aabang ang isang programa sa radyo na talaga namang kinahuhumalingan ko.

Isang gabi tumawag ang isang caller at nagconfess. Kinabukasan ng gabi,yung kaibigan nya naman ang tumawag at pinagpatuloy ang kwento ng kalandian.

Ganito kasi ang istorya:

Yung dalawang caller na magkaibigan ay nagkayagan na pumunta sa Motel with their boyfriends. Nakipagsex si Lito sa syota nyang si Ana then lumipat sa kabilang room si Lito after. Naiwan ang syota ni Lito sa kwarto kung saan dumating ang Bf ni Lisa at dun naman nakipagsex.

Sa kabilang kwarto, wala pa ang Bf ni Lisa at pagkatapos nyang magshower ay dumating na agad si Lito na Bf ni Ana at nasilayang wala ng suot si Lisa. Nagbihis uli siya dahil medyo nakaramdam ng hiya pero nahiga na sya sa kama at hinihintay na lang si Lito na bumwelo. Medyo napaisip sya na kung tama bang unahin nya si Lito kaysa sa Bf pero medyo naexcite din sya sa mga mangyayari.

Tanong: Tamang magshare ng Bf at Gf? Ano yun pasalove.....pasasex?

So naughty......but I pretty love it!

Huwebes, Nobyembre 4, 2010

Buhay Kolehiyo

Magkahalong kaba at takot akong nadarama
Sa tuwing sasapit araw ng paghuhusga
Hirap ang pagtulog pagkat damdami'y nababahala
Sa isang sagot na matagal ng naaantala

Maaliwalas ang kalangitan ng ako'y nagising
Malamig ang simoy ng amihang hangin
Walang banta ng masamang pangitain
Ngunit damdami'y pilit na pumapailalim

Matagal na paghihintay aking naranasan
Sa pagdating ng mga propesor na walang katiyakan
Unti-unting puwit ay nangangalay
Kung saan katawa'y nais ng mahimlay

Langitngit ng pinto aming narinig
Sabay paglabas ng presidenteng nanginginig
Masamang balita pala'y kanyang hatid
Kung saan ang puso'y mabilis na pumintig

Biglang humampas ang malakas na hangin
Kasabay ng liwanag na nabalot ng dilim
Mga pangala'y sinimulang sambitin
Kung saan tuwa at pighati ang sumambulat sa amin

Sigawan namin ang sa madla'y pumaibabaw
Dahil sa pasadong grado na aming natanaw
Subalit mga kaibiga'y malungkot na lumisan
Pagka't ang pag-asa'y tuluyan ng nadungisan

Martes, Nobyembre 2, 2010

Et Cetera

Mahirap maging mahirap! Isa lang ang rest room namin. Napakasaklap isipin na habang naliligo ka ay di mo inaasahang unti-unting dudulas ang sabon sa kamay mo at mahuhulog sa inodoro. Mapapatulala ka at mapapaisip kung kukunin mo ba ang sabon gamit ang kamay o hahayaan na lang itong matunaw doon gayung bago pa at safeguard ang tatak nito. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko,ano ang gagawin mo?

Nakakarimarim. Bakit dumarating ang mga pagkakataong di mo kailanman inasahan. Habang kumakain ka ng Chippy,bigla ka na lang masusuka ng kaunti at bigla mo namang malulunok. Malalasahan mo ang lasa ng mga pinaghalu-halong pagkain na matagal ng binuro sa mga bituka ng tyan mo. Dahil sa asiwa ng nararamdaman,ipapasok mo ang dalawang daliri sa ngala-ngala para tuluyang masuka. Subalit nang masuka ka ay may sukang pumasok sa butas mula ngala-ngala patungong ilong kung saan  may naiwang mga butil ng kanin na nagmula sa almusal mo kanina.

Bakit ang mga nagtitinda ng yelo ambisyoso? Bumili ako ng yelo sa isang bahay na may nakasulat na "ice for sale," lumabas ang tindero/ra at nagtanong na "ano yun?" Bakit pa nila tinatanong kung ano yung bibilihin ko gayung yelo lang ang tinda nila?! Sa inis ko tinanong ko na lang kung may tinda silang ice candy kahit alam ko namang wala. Sabi nung tindera "wala eh,yelo lang." Sabi ko naman,"ah...sige po yelo na lang," nagkalokohan!

Kasama ba ang mga bagay na ito sa mga paghihirap na dapat pagdaan ng tao para magtagumpay? Kung sa bagay, sabi nga ng Alaska Aces:"for us to rise,we had to fall."