Malamang usong-uso na naman ang iba’t ibang klaseng takutan. Nandyan ang pag-oorganisa ng mga kapitan ng isang Halloween party na minsan ay ikinaiinis ko. Hindi dahil di ako mahilig makiparty kundi dahil sa tabing plaza lamang ang bahay namin kaya naman nabubulabog kami ng malakas na musika. Nakagawian ko na rin ang manuod ng special episode ng “Magandang Gabi Bayan” na siguradong di mo kakayanin kung mag-isa ka lang.
Umiiral na naman ang pagkatuso ng mga magulang na taun-taon ay tinatakot ang mga anak nila na kung di sila dadalaw sa sementeryo ay sila ang dadalawin ng mga kamag-anak nila na yumao.
Kung pupunta ka sa sementeryo,tanungin mo muna ang sarili mo kung ano ba talaga ang pakay mo. Dadalaw ka ba talaga at magtitirik ng kandila o gusto mo lang abangan ang mga nitsong walang bantay nang sa gayun ay madekwat mo ang mga kandilang kahit katitirik lang ay pinapatos mo. Malamang alam mo na ang ibig kong sabihin. Isa rin yan sa mga ginagawa namin nung bata pa kami. Babantayan ang mga nitso at hihintaying makaalis ang mga kamag-anak ng namatayan at sabay kuha sa mga kandila. Pag-uwi sa bahay,ihahanda ang tatlong bato at maghahanap ng takip ng lata ng gatas, mas advisable kung takip ng Nido dahil yun ang iniinom ko nung bata pa ko,papainitin at saka ilalagay ang kandilang nadekwat sa kung saan man. Yun ang tinatawag na dragon. Hindi yung normal na dragon na lumalabas kapag pinagsama-sama mo ang pitong dilaw na parang bola at may mga bilang ng stars. Dahil wala pang kumukuha ng tubig,pwede mong duraan ang nalulusaw na kandila at sabay lalagablab ang malaking apoy. Yun na raw ang tinatawag nilang dragon. Hindi ko alam kung bakit yun ang tawag dun at di ko rin alam kung mayroon nga bang totoong dragon. Kung balak mong gawin ito,gabi ka pumunta sa sementeryo nang sa gayun ay wala na masyadong tao. Yun nga lang naunahan ka na ng mga kakumpetensya mong bata na mukang mga myembro ng Dragon Ball Z.
Kung tapos ka ng dumalaw,siguraduhin mong maglalakad ka pauwi para malantakan mo ang sumang bigay ng kapitbahay nyu na kahit di masarap ay mapipilitan kang kainin dahil sa gutom.
Iwasan mo ang magsuot ng itim na damit kung ayaw mong mapagkamalang myembro ng kulto. Malamang dagsa na naman ang mga kabataang nakaitim na kung pagtatabi-tabihin ay parang lipon ng mga kulto. Lalo na ngayun na pagkatapos mauso ng mga rakista ay nagsulputan naman ang mga Emo at mga Twilight fans na gusto na rin magkasyota ng bampira o lobo.
Kung isa ka sa mga nagbabasa nito,binabati kita ng “HAPPY” Halloween kahit malungkot ka sa pagkamatay ng mga kamag-anak mo. Binabati ko rin ang mga taong nagpapanggap na may third-eye tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay kahit ang totoo ay nakikiuso lang sila.
P.S. (hindi pahabol na sulat!)
Pahingi ng suman!
Sabado, Oktubre 30, 2010
Biyernes, Oktubre 29, 2010
Pahingi Po Ng Perang Pangcomputer!
Mukang inuubo at sinisipon na naman ako. Si Juan kasi buhos ng buhos,pinaglalaruan pa yata ako. Sa tuwing aalis na ko sa shop bigla namang bubuhos ang malakas na ulan. Inabot tuloy ako ng ulan sa shop at basang-basa sa pag-uwi..Pero ngayun,andito uli ako..hindi nadadala..humingi ako ng perang pangcomputer sa tatay ko at sabay sabing walang iniwang pera ang nanay ko. Syempre,naglupasay ako at nagpaawa at sa huli,binigyan nya rin ako. Nagtaka ako kung bakit,yun naman pala magpapabili sya ng Gin at bilang kapalit bibigyan nya ko ng salapi. Sa madaling salita,ginamit nya lang ako pero ginamit ko lang din sya..pero sa pinakamadaling salita,pareho lang kaming uto-uto.
Ang lakas yata ng bagyo ngayun. Sana'y di magbrown-out at mabawasan na ang mga sakuna na dulot ni Juan. Sabi kasi nila mas malakas pa yun sa Ondoy. Pero kahit bumagyo parang okey lang din. Di naman kasi kami binabaha pero syempre mas gusto kong wag na lang dahil nakakaawang masaksihan ang pagkawala ng maraming bahay at buhay.

Sabado, Oktubre 16, 2010
Buhay Sikat
Isa na namang maaliwalas na umaga ang bumungad sa akin. Isa na namang araw na puno ng kasiyahan,mga papuri at minsa'y mga kalungkutan. Umaga na naman,paulit-ulit na lang ang mga kaganapan,sasapit ang hapon at lalamunin ng dilim. Kailangan ko ng bumangon para tapusin ang mga nakabinbing mga gawain at syempre kailangan na namang pumasok sa iskul.
Papasok pa lang ako sa loob ng kampus at tulad ng inaasahan eto na naman ang mga masusugid kong tagahanga na madalas na bumabati sa akin kahit hindi ko kakilala. Papasok pa lang ako ay nagtitilian na ang mga babaeng kahit nasaktan at napaluha ko na ay patuloy pa rin akong iniibig at hinahangaan. Sa tuwing tatawagin ako ng aming guro para sa resiteysyon ay puro tilian ang aking naririnig na minsa'y nagiging dahilan ng pagsuspindi ng klase. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi pero salamat na rin at naiiwasan ko ang mga math subjects na kahit ayaw kong pag-aralan ay pilit inilalapit sa'kin ng tadhana.
Pag-uwi ko sa bahay ay naiinis ako tuwing inuutusan ako ng aking mga magulang. Hindi dahil ayaw kong mautusan kundi dahil sa tuwing pupunta ako sa tindahan ay sinusundan ako ng aking mga tagahanga,kaya naman inaabot ako ng tatlong oras sa pagpapalitrato at pagpirma. Ang resulta,wala na namang lasa ang niluto ng aking Ina.
Hindi rin madaling maging sikat,nakakapagod din. Minsa'y hindi ko alam kung pa'no ko pa hahatiin ang oras ko sa dalawandaa't limampu't anim na kasintahan na palaging nasa EDSA at pinagmamasdan ang billboard ko na nagiging dahilan ng matinding trapiko.
Sa kabila ng kasikatan at kasiyahang natatamo ko,ano pa nga ba ang mahihiling ko? Halos na sa kin na ang lahat pero sa tuwing sasapit ang maaliwalas na umaga na aking kinagisnan ay may pangambang nararamdaman. Sisikat na naman ang araw at magigising na naman ako mula sa mahaba at malalim na pagkakahimbing. Pagmulat ng mata ay isang kalungkutan ang nararamdaman dahil ang lahat ng aking natamo ay bunga lamang pala ng isang panaginip na malayong maisakatuparan. Ang kasikatan,kasiyahan at libo-libong mga tagahanga ay bunga lamang ng mapanlinlang na panaginip at imahinasyon na kailanman ay imposibleng matupad.

Martes, Oktubre 12, 2010
Dequi And The Deathly Exams(Hell Week 2.01K)
Sa Electronics...
Sa Statics...
Lintik na subject yan!traydor!!madali na mahirap..Sabi ni Ms. A papakopyahin nya ko pero nung nagstart na yung exam dumaan pa ko sa maraming obstacles para lang makita ang ilan sa sagot nya...sigh...bagsak na naman!
Sa Circuits...
Nagtanong si Ms. A,sinagot ko naman..kala tuloy ni Mam nangongopya ako!kaya naman pinalipat sya ng upuan!!Ang di nya alam nakopya ko na ang lahat ng dapat kong makopya bago pa sya mapalipat..haha..buti di kinuha yung papel ko!
Sa Thermo...
No comment na lang!
Sa Vector...
PUTANG_INA sa hirap!!!buti pa si Renz, Nowe, Lesi, Kristine at Mark tama ang mga sagot!
Sa D.E.
Talagang binantayan maigi ni Sir ang Tropang Dwarfs..sigh....di ko nagamit ang cheating materials ko!
Pasasalamat:
Salamat kay Ms. A na nagpakopya sa kin kahit labag sa kalooban nya..
Salamat kay Jenny na nagsabing "gusto ko'y pangit para walang kaagaw." Na-flatter naman ako bigla kaya nagkaroon ng inspirasyon sa pagsagot sa exam..Ooops...di ako yung tinutukoy nya.Tinamaan lang.
Salamat kay Shasha na laging pumapasok dahil pag nakikita ko sya,I feel perfect!!
At sa lahat ng Professors na nagpahirap sa min ngayung sem....sige lang...wala kaming tutut na inaayawan!
haha...sobrang kinabahan ako nung nilapitan ako ni Mam! Nagtaka sya kung bakit test-1 identification pa lang tumitingin na agad ako sa index card gayung formulae lang ang makikita dun. Kaya yun,tiningnan nya ang index ko pero syempre in hieroglyphics yung font style ko kaya di nya rin naintindihan at buti di nya napansin yung Dequi's Code na nilagay ko dun,sagot yun sa ilang tanung eh!! Pero kung nakita nya yun,patay....di ko alam papaliwanag ko!haha..
Sa Statics...
Lintik na subject yan!traydor!!madali na mahirap..Sabi ni Ms. A papakopyahin nya ko pero nung nagstart na yung exam dumaan pa ko sa maraming obstacles para lang makita ang ilan sa sagot nya...sigh...bagsak na naman!
Sa Circuits...
Nagtanong si Ms. A,sinagot ko naman..kala tuloy ni Mam nangongopya ako!kaya naman pinalipat sya ng upuan!!Ang di nya alam nakopya ko na ang lahat ng dapat kong makopya bago pa sya mapalipat..haha..buti di kinuha yung papel ko!
Sa Thermo...
No comment na lang!
Sa Vector...
PUTANG_INA sa hirap!!!buti pa si Renz, Nowe, Lesi, Kristine at Mark tama ang mga sagot!
Sa D.E.
Talagang binantayan maigi ni Sir ang Tropang Dwarfs..sigh....di ko nagamit ang cheating materials ko!
Pasasalamat:
Salamat kay Ms. A na nagpakopya sa kin kahit labag sa kalooban nya..
Salamat kay Jenny na nagsabing "gusto ko'y pangit para walang kaagaw." Na-flatter naman ako bigla kaya nagkaroon ng inspirasyon sa pagsagot sa exam..Ooops...di ako yung tinutukoy nya.Tinamaan lang.
Salamat kay Shasha na laging pumapasok dahil pag nakikita ko sya,I feel perfect!!
At sa lahat ng Professors na nagpahirap sa min ngayung sem....sige lang...wala kaming tutut na inaayawan!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)